606 total views
Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga Filipino ipagpatuloy ang pagiging misyonerong katuwang ng simbahan.
Ito ang bahagi ng pagninilay ng Santo Papa sa misa para sa ikalimang daang sentenaryo ng kristiyanismo ng Pilipinas na ginanap sa St. Peter’s Basilica sa Vatican nitong Marso 14, 2021.
Nagalak ang pinunong pastol ng simbahang katolika sa pagiging masigasig ng mga Filipino sa pagbabahagi ng mga turo ng simbahan sa iba’t- ibang dako ng daigdig at sa mga bansang pinagta-trabahuhan.
“I have often said that here in Rome Filipino women are “smugglers” of faith! Because wherever they go to work, they sow the faith. It is part of your genes, a blessed “infectiousness” that I urge you to preserve. Keep bringing the faith, the good news you received five hundred years ago, to others,” pagninilay ni Pope Francis.
Nagpasalamat si Pope Francis sapagkat ang mga migranteng Filipino ang buhay na saksi ng pananampalataya at tagapagdala ng pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan sa pamamagitan ng kani-kanilang gawain.
Bagamat limitado sa 100 katao ang makadalo sa loob ng basilica, dumagsa naman ang maraming Filipino sa paligid ng St. Peter’s Square na sumubaybay sa pamamagitan ng mga monitor screens sa paligid.
Sa paglalarawan ng Sentro Pilipino Chaplaincy emosyonal ang karamihang dumalo sa pagtitipon sapagkat makasaysayang ang nasabing pagdiriwang na pagpapasalamat sa Panginoon sa kaloob na pananampalatayang tinanggap ng mga ninunong Filipino noong 1521.
Sa huli ay pinaalalahanan ni Pope Francis ang bawat isa na mas ihayag sa pamayanan ang mabuting balita ng Panginoon.
“Never be discouraged as you walk this path. Never be afraid to proclaim the Gospel, to serve and to love. With your joy, you will help people to say of the Church too: “she so loved the world!” How beautiful and attractive is a Church that loves the world without judging, a Church that gives herself to the world,” dagdag ni Pope Francis.