425 total views
Hinihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth ang mga guro na turuan ang mga kabataan sa pagsusuri ng mga maling impormasyon o fake news na lumalabas sa mga balita at social media.
Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta-executive secretary CBCP-ECY, may kakayahan ang mga guro na maihanda at maturuan ang kabataan upang hindi agad maniwala sa bawat mababasa at maririnig.
Ito ay upang hindi na maipasa sa iba ang fake news, lalu na kung ito ay makakaapekto sa national security, individual at group privacy.
“Marami po sa atin sa Pilipinas ang mayroong access to means, tool to access technology not to be swayed to believe immediately news that will compromise national security, privacy and security of individual person or group dapat maging responsable ang mga naglalabas ng balita at meron ding pag iingat yung mga nakababasa at nakaririnig ng balita. Mag-ingat to jump in to conclusion without first validating and checking ano ba ang source ng balita, laman ng balita, yung talagang kwento ng balita,” ayon kay Fr. Garganta.
Ayon sa isang dokumento ng simbahan na may titulong Church and the Internet, kinilala ng simbahan ang makabagong teknolohiya bilang biyaya sa sangkatauhan, bagama’t hinihikayat ang lahat na gamitin ito para sa pakikipag-ugnayan, at pagpapahayag ng mabuting balita.
Sa ulat, ang Pilipinas mula sa kabuuang populasyon ng bansa na higit sa 100 milyon -may 47 milyon ang active facebook accounts.
Una na rin ipinakula ni Bulacan Representative Jose Antonio Sy-Alvarado na gawing mandatory subject sa senior high school ang basic journalism
Ito ay upang maipaalam sa mga kabataaan ang tamang pagpapahayag ng saloobin at makakatulong sa mga estudyante ang tamang impormasyon sa publiko.
Sa tala ng Department of Education (DepEd), nasa 1.3 million ang mga estudyanteng nasa Senior High School sa ilalim ng K-12 Program.