1,511 total views
Kinilala ng mga mambabatas ang mga guro na may malaking parte sa pag-unlad ng bayan.
Ayon kay Senator Ramon Revilla Jr. kinabukasan ng mamamayan ang bunga ng pagsisikap ng mga guro sa paghubog ng mga kabataan.
Sa Senado, pinangunahan ni Revilla ang pagdinig sa mga panukalang naglalayong madagdagan ang mga benepisyong tinatanggap ng mga guro.
“The lasting impact of our teachers in the lives and future of our children cannot be overemphasized. With their guidance, the wisdom of our children began to emerge. It is only fitting that we focus on the needs of our teachers, because focusing enough attention on their well-being also means high esteem for the young people they shape and the future we look forward to” bahagi ng pahayag ni Revilla.
Kabilang sa mga panukalang batas na isinusulong ng Senado ang Teaching Supplies Allowance Act; Additional Benefits for Teaching and Non-Teaching Personnel in Public Basic Education; at ang Additional Benefits and Privileges for Public School Teachers.
Ayon kay Revilla, bilang pasasamalamat sa mga guro ay dapat tugunan din ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Sinabi naman ni Senator Robin Padilla a mahalagang paglaan ng sapat na pondo ang sektor ng edukasyon sa bansa lalo na sa mga guro na tumatayong pangalawang magulang ng mga kabataan.
“It is very sad that our teachers have to spend their own money for their classes’ needs because they think of their students’ welfare.” ani Padilla.
Bukod kay Revilla kabilang sa may akda ng mga nabanggit na panukala ay sina Senators Sonny Angara, Jinggoy Estrada at Majority Leader Joel Villanueva.
Una nang pinuri at pinasalamatan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Education ministry ang mga guro sa kanilang dedikasyon sa paghubog sa mga kabataan kung saan hindi lang itinuring na propesyon kundi isang misyon.