Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 561 total views

Mga Kapanalig, matapos ang tatlong taóng pagkakakulong, pansamantalang nakalaya sina Reina Mae Nasino at dalawa pa niyang kasamahan matapos silang makapaglagak ng surety bond na ₱282,000. Si Reina Mae ay isa sa tatlong inaresto sa opisina ng grupong Kadamay sa Tondo noong Nobyembre 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives, bagay na mariin nilang itinatanggi.

Ngunit mas nakilala si Reina Mae dahil sa pagkamatay ng kanyang sanggol na inihiwalay sa kanya wala pang dalawang buwan mula nang ipanganak. Buntis noon ang 23-anyos na si Reina Mae nang hulihin siya, at nasa kulungan na siya nang isilang niya ang kanyang anak na pinangalanan niyang River. Kulang sa timbang ang bata ngunit pinabalik na sila sa Manila City Jail kung saan nanatili sila sa isang maliit na kuwarto. At dahil pinapayagan ng batas ng Pilipinas na manatili ang sanggol sa kanyang inang nakakulong sa loob lamang ng isang buwan, napilitan si Reina Mae na paalagaan sa kanyang ina ang kanyang anak.

Gaya ng inaasahan, lumubha ang kalusugan ng bata. Ilang beses na dinala sa ospital si Baby River dahil sa diarrhea. Sa kabila nito, hindi pinayagan si Reina Mae na makita at alagaan ang kanyang anak. Pagsapit ng ikatlong buwan ni Baby River, muli siyang naospital dahil naman sa pneumonia. Ito ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa araw ng libing, pinahintulutan si Reina Mae na dumalaw sa kanyang munting anghel. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, naka-PPE siyang dumating sa kanilang tahanan, nakasuot pa ng posas at pinalibutan ng napakaraming tauhan ng city jail. Tanging mga daliri lamang ni Reina Mae ang nakadapo sa katawan ng kanyang sanggol. Hanggang sa huli, pinagkaitan siya ng pagkakataong maging ina.

Ilan kaya ang mga inang katulad ni Reina Mae na nagtitiis sa loob ng kulungan at hindi makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanilang mga anak?

Sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology noong Hunyo 2022, may mahigit 13,000 na women PDLs o persons deprived of liberty sa iba’t ibang kulungan sa bansa. Ang mga nasa correctional institutions naman ay aabot sa mahgit 3,358, batay naman sa datos ng Bureau of Corrections noong 2021. Hindi pa natin pinag-uusapan ang mga babaeng nakapiit sa mga presinto ng pulis, at wala ring malinaw na datos kung ilan ang nagdadalantao o may mga anak. Mas kaunti ang mga babaeng nakakulong kumpara sa mga lalaking nasa bilangguan, ngunit mas mabigat ang kalungkutan, takot, at pagdurusang nararanasan nila, lalo na kung may mga anak silang naiwan.

Isa sa mga tinatawag nating mga Katolikong seven corporal works of mercy ay ang pagbisita sa mga bilanggo. Batay ito sa turo ni Hesus sa Mateo 25:35-46 kung saan sinabi Niyang binibisita natin Siya kapag binibigyang-panahon natin ang mga kapatid nating pinagkaitan ng kalayaan. Ito ay nagmumula rin sa ating paniniwalang ang mga nasa bilangguan ay mga taong katulad natin, mga taong may dignidad dahil nilikha silang kawangis ng Diyos.

Ngunit hindi sapat ang pagbisita sa mga bilanggo. Ang kailangan nila ay makataong pagtrato at mabilis na pagkamit ng katarungan sa pamamagitan ng mabilis na pagdinig sa kanilang mga kaso. Ang kailangan din ng mga inang nasa bilangguan ay pagkakataong maipadama nila ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak. Hindi rin ba kayo nagtataka kung bakit mga mahihirap ang nagtitiis sa mga kulungan gayong ang mga mayayamang mas matindi pa nga ang kasalanang ginawa ay nakalalaya pa?

Mga Kapanalig, panahon nang mag-isip tayo ng ibang paraan upang ituwid ang pagkakamali ng mga inang nakabilanggo—kung mapatunayan ngang may pagkakasala sila—nang hindi sila inaalisan ng pagkakataong maging magulang sa kanilang mga anak.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 3,622 total views

 3,622 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 27,067 total views

 27,067 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 43,829 total views

 43,829 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 56,888 total views

 56,888 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 54,951 total views

 54,951 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 3,623 total views

 3,623 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 27,068 total views

 27,068 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 43,830 total views

 43,830 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 56,889 total views

 56,889 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 54,952 total views

 54,952 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 69,205 total views

 69,205 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 66,298 total views

 66,298 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 76,800 total views

 76,800 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 91,873 total views

 91,873 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 97,837 total views

 97,837 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 101,984 total views

 101,984 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 111,259 total views

 111,259 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 55,366 total views

 55,366 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,611 total views

 53,611 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 103,919 total views

 103,919 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top