22,804 total views
Binigyang diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na plataporma at hindi pera ang dapat na ibahagi ng mga kandidato sa mga botante ngayong panahon ng halalan.
Ito ang mensahe ng Obispo na siya ring tagapangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace kaugnay sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections.
Ayon sa Obispo, plataporma sa halip na pera ang dapat na ibahagi ng mga kandidato upang magsilbing gabay ng mga botante sa pagpili kung sino ang dapat na ihalal sa nakatakdang eleksyon.
Giit ni Bishop Bagaforo, dapat na igalang at bigyang halaga ng mga kandidato ang karapatan at kalayaang bumoto ng bawat botante sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang plataporma upang magsilbing gabay sa pagpili ng ihahalal.
“Para sa mga kandidato, hindi kami tumatanggap ng inyong pera, bigyan niyo lang kami ng inyong plataporma. Please respect our votes.” Bahagi ng panawagan ni Bishop Bagaforo.
Matatandaang una ng sinuportahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa ang bagong tatag na Committee against Vote-Buying and Vote Selling ng Commission on Elections (COMELEC) na layuning pangasiwaan ang pagwawaksi sa talamak na bilihan at bentahan ng boto tuwing panahon ng halalan sa bansa.