189 total views
Muling lumagda sa isang peace covenant ang mga kandidato sa Lanao Del Sur sa darating na May 9, 20-16 elections.
Ayon kay Sowaib Decampong, spokesman ng Lanao del Sure Institute for Peace and Development, layunin ng peace covenant na magkasundo-sundo ang mga tumatakbo sa halalan mula sa pagkaalkalde hanggang sa pagkakonsehal sa usapin ng kapayapaan.
Sakop din ng covenant ang usapin ng dayaan kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng boto ng mga mamamayan at pamimili ng boto ng mga kandidato.
Katuwang ng lalawigan ang Armed Forces of the Philippines at Philippines National Police para sa pagpapatupad ng kapayapaan sa darating na eleksyon.
Inihayag naman ni Decampong na 2013 elections una nilang isinagawa ang peace covenant at ito ay naging matagumpay dahil sa kauna-unahang pagkakataon natanggal ang Lanao Del Sur sa mga lalawigan na may failure of elections.
“Sa ngayon maganda ang Lanao del Sur, nagkaroon ng peace covenant sa different municipality ng Lanao del Sur, para sa eleksyon sa mga kandidato, lahat ng mga partido, from the mayor down to the councilor sila naglagda sa ginawa naming kasunduan, hindi ito first time na ginawa, 2013 barangay eletcions nakuha namin ang ideya na maganda pala ang mag-peace covenant, first time sa lalawigan na walang failure of elections. Sakop nito ang pagbabawal sa pagbebenta at pamimili ng boto.” Pahayag ni Decampong sa panayam ng Radyo Veritas.
Nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante habang nas amahigit 18,000 ang elective positions ng May 9 elections.
Mariing ipinapanawagan ng mga obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mamamayan na bumoto ng naaayon sa konsensiya, at ihalal lamang ang mga tunay na maka-Diyos, maka-kalikasan at maka-mahirap.