384 total views
Ipadama sa mga Layko ang kahalagahan ng kanilang misyon sa simbahan.
Ito ang mensahe ni Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa pagtatapos ng National Laity Week na ginanap sa Eon Convention Center dito sa Jaro, Iloilo City.
September 16 nang ipinagdiwang ang pagbubukas ng pagdiriwang sa Diocese of Gumaca.
Ayon sa Obispo, ang taunang pagdiriwang ay bilang pagpapaala at pagbibigay sigla sa pagsasabuhay ng pananampalataya saan man ang larangan na kinakaaniban.
Giit ng obispo ang mga Layko ang may higit na dami ang bilang na kung kikilos ng sabay-sabay at magsasabuhay ng pananampalatayang kristiyano ay maipapahayag ang kapapayapaan at katarungan sa lipunan.
Tema ng talk ni Bishop Pabillo `Laity as Leaven for Social Transformation’.
At ngayong taon punong abala sa pagtitipon ang Council on Laity ng Archdiocese ng Iloilo na pinamumunuan ni Antonio Galaraga.
Dumalo sa pagtitipon ang may higit sa 400 Layko ng arkidiyosesis at higit sa 70 panauhin bilang national representative.
Sa datos, ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 80 porsiyento ng mga katoliko sa kabuuang 100 milyong populasyon.
Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang grupo ng simbahan sa iba’t ibang panig ng bansa.