451 total views
Kaugnay sa pagdiriwang ng World Interfaith Harmony Week , nagsalo-salong kumain ang mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon at mga kinatawan ng bawat bansa sa Arsobispado Manila kasama sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia.
Inihayag ni Cardinal Tagle na magandang simulan sa isang salu-salo ang weeklong celebration ng harmony week sa pamamagitan ng sama-samang pagkain na karaniwang pangangailangan ng bawat isa maging iba ang lahi at pananampalataya.
“We start the week in something very simple a meal. But it is a profound way of developing harmony. That is why for the Christians our memorial of Jesus is connected to a meal. That’s where a family is always regenerated and the wider family is made own in the meal,” ayon kay Cardinal Tagle.
Giit pa ni Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng pag-upo sa hapag ay mapag-uusapan ang mga bagay na para sa kabutihan ng mas nakakarami at makakatulong para sa pag-unlad at kapayapaan.
Sa hapag kainan din ayon kay Cardinal Tagle ay mapag-uusapan ang iba’t ibang karanasan at mahahalagang tanong na kailangang tugunan kasabay ng pagsasalo sa biyaya ng kalikasan na mula sa Diyos.
Sinabi pa ni Cardinal Tagle; ”During views we realize you are inhabitants of the same earth. We have a common home. All of us on rely on the goodness of God manifested on the goodness of the earth. And that’s why every meal is a reminder for us to take care also of our common home to be a responsible steward, caregivers of our home. During our view, hunger is an equalizer whether you are a Christian, or Buddhist, or Jews, or Muslim all of us get hungry. And in a meal we are invited to share once again the common human condition in a meal we remember those who are gone before us.”
Dagdag pa ni Cardinal Tagle, ang pagkain ay hindi lamang para tugunan ang gutom kundi isang pagsisimula ng pagtitipon bilang malaking pamilya para sa kabutihan ng mas nakakarami.
“We eat not just to satisfy hunger. There is something in a meal that teaches people how to come together. How to live in sensitivity to one another, in a meal we don’t only share food, we share presence,” ayon pa sa mensahe ni Cardinal Tagle.
Ang World Interfaith Harmony Week ay taunang pagdiriwang na sinimulan noong 2007 na iminungkahi noon ni King Abdullah II ng Jordan tuwing unang Linggo ng Pebrero.
Dito hinihikayat ang mga pinuno ng Kristiyano at Muslim sa pagkakaroon ng dayalogo base na rin sa kanilang pangunahing religious commandment na Love of God and Love of the Neighbor nang hindi kinokompromiso ang magkaibang pananampalataya.