224 total views
Nag-organisa ang World Wildlife Fund for Nature Philippines ng Earth Hour Cities Challenge, kung saan kinilala ang pitong siyudad sa Pilipinas na nakilahok sa hamon na itaguyod ang kalikasan kasabay ng pagpapaunlad ng mga Lungsod.
Kabilang sa mga nakilahok ang mga Lungsod ng Cagayan De Oro, Makati, Naga, Parañaque, San Carlos, Santa Rosa at Quezon City.
Ayon kay Atty. Angela Consuelo Ibay – Earth Hour Philippines Director, layunin ng EHCC na palaganapin sa bawat lungsod ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mababang carbon emissions habang kasabay parin nito ang pag-unlad ng kanilang industriya.
Dagdag pa nito sa pamamagitanng EHCC, mahihikayat ang bawat lungsod na isaalang-alang ang pangangalaga at pagpapayabong sa kalikasan upang mabigyan ng masmaayos at komportableng pamumuhay ang bawat residente.
“Cities play a major role as contributors to climate change and rapid development. They are centers for consumption and carbon emissions – generating 70% of global emissions. With the cities of Santa Rosa, San Carlos, Makati and our other green hubs leading the way, we can create cleaner and more livable spaces for Pinoys. We hope the example set by our seven Earth Hour City Challenge entries convinces other Pinoy cities to develop sustainably. Homegrown solutions are already available to transform our cities into eco-friendly, stress-free and low-carbon urban spaces,” bahagi ng pahayag ni Atty. Ibay.
Itinanghal ang Santa Rosa City Laguna bilang National winner sa Earth Hour Cities Challenge.
Samantala, napabilang naman sa finalist sa isang international campaign na WWF We Love Cities Campaign ang tatlong Lungsod sa Pilipinas.
Nakamit ng San Carlos City, Negros Island Region ang ika-apat na pwesto sa We Love Cities Campaign, nasa pang limang pwesto naman ang City of Santa Rosa, at pang labing siyam ang Makati City, mula sa 124 na mga lungsod na nakilahok, mula sa 20 iba’t ibang mga bansa.
Hinirang bilang kampiyon sa kompetisyon ang Bogor na tinaguriang Green City sa Indonesia.
Kaugnay dito ipinapaalala sa Laudato Si ni Pope Francis na sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle ng bawat tao at sa pagsasama sama ng isang buong komunidad ay makakamit ng mundo ang kinakailangan nating ecological conversion.