Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga maliliit na mangingisda naman

SHARE THE TRUTH

 650 total views

Mga Kapanalig, nitong Nobyembre, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (o NEDA) ang proyektong Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (o FishCoRe). Layunin ng proyektong mahango sa kahirapan ang 350,000 na mangingisdang nakatira sa 24 na probinsya, at makaambag sa pagtitiyak ng seguridad ng pagkain o food security sa ating bansa. Ipatutupad ito sa loob ng pitong taon at magkakahalaga ng 11.2 bilyong piso.

Inaasahang makapagbibigay ang proyektong FishCoRe ng mga kinakailangang reporma sa sektor ng pangisdaan at aquaculture upang maparami at mapalakas ang produksyon ng isda at iba pang lamang-dagat. Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr na makatutulong daw ang FishCoRe na payabungin ang ating aquaculture, tiyakin ang suplay ng pagkain, at bigyan ng kita ang ating mga mangingisda. Makalilikha ng tinatayang 27,000 na trabaho ang proyekto. Magtatayo rin ito ng imprastruktura at mga pasilidad para naman sa mga negosyanteng mangingisda.

Tila maraming maaasahan ang proyektong FishCoRe para sa mga mangingisda. Ito ay kalugod-lugod para sa ating Simbahang itinataguyod ang dignidad at kapakanan ng mga dukha sa ating lipunan kung saan nangunguna ang mga mangingisda at magsasaka. Ayon nga sa Philippine Statistics Authority, ang sektor ng mga mangingisda ay nagtala ng poverty incidence na 26.2% noong taong 2018, pumapangalawa sa 31.6% ng maliliit na magsasaka. Kasama nga sila sa itinuturing na “poorest of the poor”.

Ngunit paano kaya titiyakin na ang tunay na makikinabang sa proyektong FishCoRe ay ang ating maliliit na mangingisda kung ang bibigyang-pansin ng ating pamahalaan ay ang industriya ng aquaculture? Ang aquaculture ay tumutukoy sa pag-aalaga at palinang ng mga isda at iba pang uri nito sa mga kontroladong kapaligiran ng katubigan para sa gawing negosyo. Walang malaking puhunan ang mga maliliit na mangingisda upang makapagsimula at makapagpatakbo ng mga ganitong proyekto. Pagkakalooban kaya sila ng FishCoRe ng puhunan? Isa pa, itinuturing ang aquaculture na isa sa mga dahilan ng tinatawag na overexploitation o pagkaunti ng mga isda at lamang-dagat, bagay na lubhang nakaaapekto sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Maliban sa pagpapalakas sa sektor ng aquaculture, huwag sanang kalimutan ng gobyerno ang mga kababayan nating umaasa sa tinatawag na small-scale fishing—mga mangingisdang humuhuli ng mga isda at lamang-dagat para sa kanilang kabuhayan at pagkain. Magandang balikan ang inilabas noong 2015 ng Food and Agriculture Organization of the United Nations na Voluntary Guidelines for Securing Sustainable Small-Scale Fisheries. Binigyang-diin sa dokumentong ito ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga mangingisda sa pangangasiwa ng karagatan, pagbibigay sa kanila ng angkop na mga pasilidad at serbisyo, at pagtiyak na hindi sila malalamangan ng mga malalaking negosyante. Maglalaan din ba ang gobyerno ng sapat na pondo para sa mga bagay na ito?

Sa Kanyang pamamalagi sa mundo at sa Kanyang mga turo, malaki ang pagpapahalaga ni Hesus sa mga mangagawa, kabilang ang mga mangingisda. Hindi ba’t sila nga ang pinili Niya upang maging Kanyang mga unang disipulo, “mga mangingisda ng mga tao,” gaya ng nasasaad sa Mateo 4:19? Batid Niya ang kakayahan ng mga mangingisdang mahanap ang yaman sa gitna ng karagatan. Ganito rin sana ang ating pagpapahalaga sa mga kababayan nating mangingisda, at maipakikita ito ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng kanilang mga pangangailangan, kabilang ang proteksyon laban sa mga malalaking negosyante at mga dayuhang nagsasamantala sa ating yamang-dagat.

Mga Kapanalig, mahigit isang milyong Pilipino ang nakasalalay ang kabuhayan sa pangingisda—kaunti kung tutuusin ngunit hindi maitatangging kasama sila sa mga nagpapakain sa mahigit 110 milyong Pilipino. Matagal na silang naghihintay ng makahulugan at pangmatagalang tulong mula sa gobyerno. Sa mga mabubuong programa ng pamahalaan, mga maliliit na mangingisda naman sana ang tunay na makinabang.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,711 total views

 23,711 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,367 total views

 38,367 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,482 total views

 48,482 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,059 total views

 58,059 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,048 total views

 78,048 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 23,712 total views

 23,712 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,547 total views

 2,547 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,368 total views

 38,368 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,483 total views

 48,483 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 58,060 total views

 58,060 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,049 total views

 78,049 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,080 total views

 48,080 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,105 total views

 43,105 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,674 total views

 46,674 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,129 total views

 59,129 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,196 total views

 70,196 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,515 total views

 76,515 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,126 total views

 81,126 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,686 total views

 82,686 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,247 total views

 48,247 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top