249 total views
Ipinapaubaya ng Mindanao Bishop ang 2017 proposed national budget na nagkakahalaga ng P3.35-trilyong piso sa mga ahensya ng pamahalaan lalo na sa pagpapatupad ng mga proyekto.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 11% kumpara sa kasalukuyang budget na P3 trilyon.
Naniniwala si Prelatura of Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad, tungkulin ng mga kongresista at senador ang paggawa ng batas at hindi ang pagmumungkahi ng mga proyekto na nababahiran ng corruption.
Tiwala naman si Bishop Jumoad na magiging malinis at transparent ang bagong administrasyon lalo na at titiyakin ng Kamara na mawawala na ang “pork barrel” sa pambansang budget.
“I think it would be good if it will be given to the agencies of the government like DPWH and then sila na mag – iimplement. Anyway our congressmen and senators they are elected in order to enact laws, in order to make laws, and they are not to implement projects. It would be good if it would be given to the different agencies of the government. Ang importante lang yung sincerity, yung transparency and then the money is spent talaga for the particular project para sa ahensya,” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, sinabi ni House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles na nakahanda na ang kanilang komite na binubuo ng 24 na vice chairmen at 81 na miyembro upang masiguro ang transparency ng mga lump sum allocations.
Batay sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika kailangang mailaan ang pondo ng bayan para sa ikabubuti ng nakararami.