Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Migranteng Muslim

SHARE THE TRUTH

 1,041 total views

Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.”
Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil sa panganib sa kanilang buhay at ngayo’y naghihintay na may bansang tatanggap sa kanila. Sa pag-uwiniyamulasa Lesbos, isinama ni Pope Francis ang tatlong pamilyang Muslim, kabilang sa kanila ang anim na bata, upang sila ay bigyan ng bagong tahanan sa Roma, doon mismo sa Vatican kung saan naninirahan ang Santo Papa. Nang tanungin ang Santo Papa kung bakit mga pamilyang Muslim, at hindi mga Kristiyano, ang kanyang isinama pauwisa Roma, sinabi niyang bukod sa maayos ang kanilang mga dokumento,ang iisang pamantayan lamang naman ay ang pagiging anak ng Diyos.
Sa mga wika ng ito ng Santo Papa, mga Kapanalig, tayo ay pinaaalalahanan naanuman ang relihiyon o paniniwala ng tao, siya ay anak ng Diyos at nararapat nabigyan ng pagkakataongmabuhay nang marangal at malaya. Ang ginawang ito ng Santo Papa ay talaga namang katangi-tangisa pagkatsa buong Europa ngayon ay patuloyang debate kung dapat pa bang tumanggap ang kanilang mga bansa ng mga migrante lalo nang mga Muslim na nagmulasa Syria. Matapos ang mga pagsabog sa Paris at sa Brussels kamakailan,nakinasawi ng maraming tao at pinaniniwala ang gawa ng grupong ISIS, marami ang nagtutulak na maghigpit ang kanilang gobyerno sa pagtanggap ng mga migrante. Kaya’t ang ginawang pagsama ng Santo Papa ng mga pamilyang Muslim upang manirahansa Vatican ay maituturing na pagtutol sa pananaw naisaraang pinto ng Europa sa mga migranteng Muslim.

Ang ama ng isa sa tatlong pamilyang Muslim naisinama ng Santo Papa ay nilisan ang Syria kasama ng kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak.Inutusan daw kasi siyang pumatay ng mga kalaban ng kanilang pinunona si Pangulong Assad. Hindi raw siya papatay para sa pangulong bansa. Dahil ayaw niyang pumatay ng kanyang kapwa, minabuti niyang lisanin ang kanyang bayan kahit malagay sa panganib ang sarili niyang buhay, pati na ang buhay ng kanyangp amilya. Siya ay isang Muslim na,gaya ng isang Kristiyano, ay nagpapahalaga sa buhay ng tao.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na sa bansa natin ngayon, tila marami ang nakakalimot sa napakahalagang turo ng ating Simbahan na ang sangkatauhan ay iisaang Ama, na anglahat ng tao ay anak ng Diyos.

Nariyan ang mga naghuhusga sa mga kapatid nating mga Muslim at itinuturing silang lahat bilang mga terorista. Nariyan din naman ang mga nag-iisip,lalo na sa panahon ng nalalapit na eleksyon,na mas mabuti raw ang mga pinunong handang pumatay kung ang pinapatay naman daw ay kriminal.Nakakalungkot at mapanganib, mga Kapanalig,ang paglaganap ng ganitong kaisipan. Labag na labag ito sa turo ni Hesus at ng ating Simbahan.

Ang ginawa ng Santo Papa, mga Kapanalig, ay isang pagpapakita na ang ating pananampalataya sa isang maawain at mapagpalang Ama ay hinahamon tayong huwag mag pabulag at magpakulong sa mga bagay na naghihiwalay sa atin sa ating kapwa. Ang isang Muslim naminabuti pang ilagay sapanganib ang kanyang buhay sa halip na sundin ang isang utos na pumatay ng tao ay maaring higit na maka-Kristiyano ang pag-iisip kaysa sa mga banyagang dinadakila ang mga lider na pumapatay nang walang paglilitis.
Sagrado ang buhay ng tao, sinuman siya, anuman ang kanyang pananampalataya, anuman ang kanyang nagawa. Ito ang batas ng Diyos nakailanma’y hindi dapat ipagpalit sa anumang batas ng tao.
Sumainyo ang katotohanan

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 50,585 total views

 50,585 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 61,660 total views

 61,660 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 67,993 total views

 67,993 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 72,607 total views

 72,607 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 74,168 total views

 74,168 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Veritas Team

Bantayan—at ipagdasal—ang bagong pinuno ng PhilHealth

 3,619 total views

 3,619 total views Mga Kapanalig, sa ilalim ng Section 14 ng Universal Health Care Law, malinaw na nakasaad na ang presidente at chief executive officer ng PhilHealth ay dapat na may hindi bababa sa pitong taóng karanasan sa larangan ng public health, management, finance, at health economics. Ngunit mismong ang bagong talagáng pinuno ng PhilHealth na

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Weeds Among the Wheat: A Parable of Our Struggles

 1,506 total views

 1,506 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XVI-A, 23 July 2017 Wisdom 12:13,16-19//Romans 8:26-27//Matthew 13:24-43 There is no doubt among us believers of God’s power and might, of His immense love and goodness, of His wisdom and knowledge of everything. But when we observe how things are going on in the world

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Parable of the Sower, A Parable of Our Life In Christ

 1,244 total views

 1,244 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XV-A, 16 July 2017 Isaiah 55:10-11//Romans 8:18-23//Matthew 13:1-23 Starting today we get into the heart of Jesus Christ’s preaching, the parables. In St. Matthew’s gospel account, chapter 13 constitutes a well-defined structure of a collection of parables referred to as “Discourse on Parables” from which

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

God-Centered Life

 1,183 total views

 1,183 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XIV-A, 09 July 2017 Zechariah 9:9-10//Romans 8:9,11-13//Matthew 11:25-30 You must be so familiar with our Gospel today where Jesus calls us to “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Mt.11: 28) Often described as the “sweetest

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Global Challenges o mga Pandaigdigang Hamon

 1,372 total views

 1,372 total views Kapanalig, ayon sa World Economic Forum (WEF), may limang pangunahing hamon o key challenges ang sandaigdigan ngayon. Dalawa sa mga hamon na ito ay may kaugnayan sa ekonomiya. Mas kailangan na, kapanalig, na gawing mas masigla ang pagbuhay at pag-angat ng mga ekonomiya ng mga bansa ngayon. Mas lumalawak na ang income disparity

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top