1,286 total views
Tiniyak ng Diyosesis ng Balanga ang pagtugon sa apela ng Kanyang Kabanalan Francisco upang ipanalangin ang kagalingan ni Pope Emeritus Benedict XVI.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos na siya ring chairman ng CBCP-Commission on Pontificio Collegio Filippino, kaisa ng buong Simbahang Katolika ang diyosesis sa pananalangin sa paggaling at ginhawa ng dating Santo Papa mula sa kanyang karamdaman.
Pagbabahagi ng Obispo, iaalay ng Diyosesis ng Balanga ang mga misa sa mga Simbahan upang ipanalangin ang patuloy na paggabay ng Panginoon kay Pope Emeritus Benedict XVI.
“The Diocese of Balanga heeds to the caring appeal of our beloved Holy Father for prayers to our dear Pope Emeritus Benedict for comfort and recovery from his illness. We offer our Holy Masses that our almighty God in His mercy and power sustains, supports and consoles our Pope Emeritus Benedict. With our prayers and Holy masses we are one with him in spirit and in his suffering. Our blessed Mother takes him in her maternal embrace and protection. God is with our Pope Emeritus Benedict.” Ang bahagi ng mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas.
Inaanyayahan rin ng Obispo ang bawat mananampalataya na makiisa sa pananalangin para sa kapakanan at kagalingan ng dating Santo Papa.
Ang 95-taong gulang na dating pinunong pastol ng Simbahan na si Pope Emeritus Benedict XVI ay kasakuluyang naninirahan sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican.
Matatandaang taong 2013 nang magbitiw sa kanyang tungkulin si Pope Benedict XVI dulot ng kanyang karamdaman at mahihinang pangangatawan dahil na rin sa kanyang edad.