Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga nakalimutang bayani ng Edsa

SHARE THE TRUTH

 511 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin ngayong linggo ang makasaysayang EDSA People Power na nagpatalsik sa diktador na Pangulong Ferdinand Marcos noong Pebrero 1986. Sa marami sa ating may malay na nang mga panahong iyon, marahil ang ating naaalala ay ang libu-libong taong nagdagsaan sa harap ng Kampo Aguinaldo at pinunô ang buong lawak at haba ng EDSA mula Ortigas hanggang Cubao.

Ngunit ilan kaya sa atin ang nakakaalalang dalawang linggo bago nangyari ang pag-aaklas, may 35 computer technicians na kabilang sa COMELEC National Tabulation Project na nagsagawa ng isang makasaysayang walkout? Iniwan nila ang kanilang ginagawang pagbibilang ng mga boto dahil napansin nilang ang kanilang pinapasok na mga numero sa computer ay hindi tumutugma sa lumalabas na tally sa malaking screen na siyang nakikita ng publiko.

Sa pangyayaring ito, ang mga ordinaryong mamamayang tumutupad lamang sa kanilang gawain at propesyon at walang kinikilingang kandidato ay nagpasyang manindigan laban sa napansin nilang pagmamanipula sa resulta ng halalan. Bawat isa sa 35 indibidwal ay nakinig sa kanyang konsensiya, nagpahalaga sa integridad ng kanyang propesyon, at naglakas-loob na tumiwalag sa alam niyang nagaganap na pandaraya.

Ilan kaya sa atin ang mayroong ganitong tapang at paninindigan sa harap ng pandaraya, pagsisinungaling, at pagbabaluktot ng katotohanan na nagaganap ngayon? Iba ba ang kalagayan natin noon at ngayon, o may pagkakapareho? Iba marahil ang anyo ng mga kaganapan, ngunit hindi maitatangging laganap pa rin ang pandaraya at paglilinlang sa taumbayan ngayon. Laganap ang fake news at tahasang kasinungalingang isinusubo sa mga tao sa social media.  Ngayon natin sana kailangang muli ang tapang at paninindigang ipinakita ng 35 computer technicians noong 1986. Kakaunti lamang sila, subalit nabago nila ang takbo ng kasaysayan. Dahil sa ginawa nila, namulat ang mga tao sa pandarayang naganap sa 1986 snap elections na ipinatawag ni Marcos, at ito ang naging mitsa ng pag-aaklas ng taumbayan.

Ano ang matututunan natin dito?

Kapag may nakikita tayong mali sa mga nangyayari sa ating lipunan, madalas tayong panghinaan ng loob at sinasabi natin sa ating sarili, “Ano ba naman ang magagawa ko?” o “Ano ang magagawa natin gayong kakaunti lamang tayo?” Ang ginawa ng 35 computer technicians, na maituturing na tunay na kabayanihan, ay nagpabago sa kasaysayan, at hindi ito gawa-gawang kuwento lamang. Ang kanilang ginawa ay dapat na laman ng mga aklat sa ating mga paaralan upang maitanim sa isip ng kabataan ang tungkulin nilang tumindig para sa katotohanan at labanan ang panlilinlang.

Talamak ngayon ang kasinungalingan sa social media, at madaling magpakalat ng fake news.  Pinapaalala ng panlipunang turo ng ating Simbahan na ang layunin ng media ay ang gawin tayong mulát sa ating dignidad bilang tao, mas responsible, at bukás sa ating kapwa, lalo na sa pinakanangangailangan at pinakamahina sa lipunan. Hindi dapat ginagamit ang media upang iligaw ang ating kapwa at itulak silang magdesisyon batay sa mali at kasinungalingan.

Mga Kapanalig, sinabi ng Panginoon kay propetang Jeremias, “Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos at sila’y magiging aking bayan.” Kapag pinakikinggan natin ang kautusang inilagay mismo ng Panginoon sa ating kalooban at sa ating konsensya, kinikilala natin Siya bilang Panginoon, at tayo ay mananatiling Kanyang bayan. Ngunit kapag tinalikuran natin ang kautusang inilagay Niya sa ating puso, para na ring sinabi natin sa Kanyang “hindi ka namin Panginoon at hindi mo rin kami bayan.”  Kailanman ay hindi tayo iiwan ng Diyos, ngunit kung tayo mismo ang nagwawaksi sa Kanya dahil pinipili nating maniwala sa mga kasinungalingang dulot ng tao, paano tayo maililigtas sa kapahamakang tayo mismo ang pumili?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 50,556 total views

 50,556 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 61,631 total views

 61,631 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 67,964 total views

 67,964 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 72,578 total views

 72,578 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 74,139 total views

 74,139 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 50,557 total views

 50,557 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 61,632 total views

 61,632 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 67,965 total views

 67,965 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 72,579 total views

 72,579 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 74,140 total views

 74,140 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,590 total views

 44,590 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,251 total views

 67,251 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,827 total views

 72,827 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,308 total views

 78,308 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,421 total views

 89,421 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,420 total views

 85,420 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,122 total views

 73,122 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,604 total views

 81,604 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,663 total views

 74,663 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,587 total views

 81,587 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top