133 total views
Ipinaalala ni Vatican Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga mananampalataya na huwag kalimutan si Hesus sa puso.
Ito ang mensahe ng Arsobispo sa misang inaalay sa Archdiocesan Shrine and Parish of Our Lady of Loreto Sampaloc Manila para sa Dakilang Kapistahan ng Our Lady of Loreto at Pontiffical Coronation ng Imahen ng Birhen sa Dambana nitong December 10.
Naniniwala ang Arsobispo na mapupukaw ang damdamin ng bawat mananampalataya kung saan magiging bukal ang pagtulong sa mga pinakanangangailangan.
Sinabi ni Archbishop Brown na katulad ni Maria at Joseph ay unang nangailangan ng tulong bago isilang si Hesus.
“As all of us know when we travel the streets of Manila we see a good number of people who have no house, who are in the streets, even families, even little children and I think especially in this time of advent our hearts should be move when we see them, they’re Mary, Joseph and Jesus on the streets of Manila today, so stop and give them something, a kind word or help, a priest I know are helping their homeless people in the streets but they are an image a quasi-sacramental image to us of Mary, Joseph and Jesus in Betlehem,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Brown.
Panalangin pa ng Kinatawan ng Vatican sa Pilipinas na sa pamamagitan ng Pontiffical Coronation at paggunita ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Loreto ay mapalalim pa ang pananampalataya ng mga Pilipino.
“The whole spiritually of Loreto revolves around the house of Mary and it was indeed in that House of Mary in Nazareth which Pius tradition believes was brought by Angels all the way into Italy and is now resting in town of Loreto in Italy that house of Mary, that house of Our Lady in Nazareth is where the Gospel we heard took place, the Annunciation, the place in Nazareth her house where the Angel Gabriel came to Mary and ask her to be the Mother of God, and Mary Said Yes,” ayon pa sa pagninilay ni Archbishop Brown.
Ang paggunita sa Dakilang Kapistahan ay pinagunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama ang mgs Obispo ng iba’t-ibang Diyosesis at kaparian ng Archdiocese of Manila.
Ang Pontifical Coronation ay ang iginagawad ng Santo Papa na pinakamataas na pagkilala sa birhen ng Loreto.