Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Obispo nakahandang mamagitan sa bangayan ng pangulong Marcos at VP Duterte

SHARE THE TRUTH

 18,861 total views

Iginiit ng opisyal ng Stella Maris Philippines na mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulunga ng mga lider ng bansa.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng grupo, ang nagpapatuloy na hidwaan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte ay lubhang nakakaapekto sa mga Pilipino kaya’t dapat na isantabi ang hindi pagkakaunawaan.

“We call upon our esteemed leaders to set aside their differences and work towards a common goal of peace and prosperity for all Filipinos. It is in moments like these that we must remember the importance of solidarity and collaboration,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa obispo mahalagang magkaisa ang mga lider ng bansa upang makamit ng Pilipinas ang tunay na pagkakaisa tungo sa maunlad at mapayapang lipunan.

Mas lumala ang tensyon sa pagitan ng dalawang pinakamataas na lider ng Pilipinas nang magbanta ang bise presidente na paslangin sina PBBM, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez bunsod ng alegasyong assasination plot laban kay Duterte.

Nag-ugat ang alitan sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa mga katiwaliang kinasasangkutan ni Duterte partikular na ang hindi maipaliwanag na paggamit sa 125 milyong pisong confidential at intelligence fund.

Sinabi ni Bishop Santos na bukas ang simbahang mamagitan upang magkasundo ang dalawang lider para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.

“The church stands ready to offer its support and facilitate a dialogue that can help bridge the gap between our leaders. As a beacon of hope and reconciliation, the church is committed to fostering an environment where open communication and mutual understanding can thrive,” ani Bishop Santos.

Apela ng obispo sa mamamayan na magtulungang ipanalangin ang kaliwanagan ng isip at patnubay sa mga lider ng bansa upang mapagtagumpayan ang anumang pagkakaiba at pamunuan ang bansa nang may integridad at pagmamalasakit.

“Together, we can build a brighter future for the Philippines, one that is rooted in unity, faith, and a shared commitment to the well-being of every Filipino,” saad ng obispo.

Sa mensahe ni Pope Francis sa Worldwide Prayer Network hiniling nito sa mananampalataya na ipanalangin ang mga political leaders na maging mabuting katiwala sa pamumuno sa nasasakupan at patuloy na gampanan ang mga tungkulin para sa kabutihan ng lahat at integral human development lalo na ang pagbibigay pansin sa mga mahihinang sektor ng lipunan tulad ng mga dukha.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

The End Of Pork Barrel

 14,341 total views

 14,341 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »

Paasa At Palaasa

 23,905 total views

 23,905 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »

New year’s resolution para sa bayan

 43,871 total views

 43,871 total views Happy new year, mga Kapanalig! May mga new year’s resolutions ba kayo? Anumang pagbabago ang nais ninyong simulan, sana ay matupad ninyo ang mga ito. Ano naman ang new year’s resolution mo para sa ating bayan ngayong 2025? Nakakapagod ang nagdaang taon, hindi ba? Naging maingay ang mga namumuno sa ating gobyerno. Nagbatuhan

Read More »

May mangyari kaya?

 63,590 total views

 63,590 total views Mga Kapanalig, kung sinubaybayan ninyo ang labintatlong pagdinig na ginawa ng tinatawag na quad committee (o QuadComm) ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan tungkol sa mga extrajudicial killings (o EJK) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte, nanlumo siguro kayo sa dami at bigat ng mga inakusa sa mga sangkot. Humantong ito

Read More »

Kilalanin ang mga haligi ng bayan

 63,566 total views

 63,566 total views Mga Kapanalig, ngayon ay Rizal Day, ang araw kung kailan inialay ng ating pambansang bayani ang kanyang buhay para sa bayan. Sa araw na ito noong 1896, pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Gat Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Rizal Park. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Diocese of Gumaca, tiniyak na magiging boses ng mahihina

 390 total views

 390 total views Tiniyak ng bagong pastol ng Diocese of Gumaca ang patuloy na pakikilakbay sa humigit kumulang isang milyong nasasakupan. Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Euginius Cañete, MJ, ikinatuwa nito ang mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya ng ng diyosesis na binubuo ng mga lugar sa katimugan ng lalawigan ng Quezon. “Batay sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Proteksyon sa dignidad ng buhay, hiling ng Santo Papa

 2,163 total views

 2,163 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mananampalataya na isulong ang kapayapaan at proteksyon sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Sa pagninilay ng santo papa sa Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at paggunita sa 58th World Day of Peace, binigyang diin nito ang kalahagahan ng buhay ng bawat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok na salubungin ang bagong taon ng may pag-asa at kagalakan

 3,145 total views

 3,145 total views Hinikayat ng opisyal ng simbahan ang mananampalataya na salubungin ang bagong taon na puno ng pag-asa at kagalakan. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage tema ng kanilang pagdiriwang ang “Bagong Taon, Bagong TAO” kung saan pagninilayan ang tatlong

Read More »
Circular Letter
Norman Dequia

Dapat manaig ang katarungan-Bishop Santos

 3,341 total views

 3,341 total views Nanindigan ang Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines na dapat manaig ang katarungan alinsunod sa batas. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos malinaw na may pananagutan sa batas ang sinumang nagkasala upang mabigyang katarungan ang mga biktima. Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa krimen na kinasangkutan ng isang Overseas Filipino Worker sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Si Hesus ang liwanag at pag-asa ng tao

 6,210 total views

 6,210 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ang pagkakatawang tao ni Hesus ay tanda ng liwanag at pag-asa sa sambayanan. Sa mensahe ng arsobispo ngayong Pasko ng Pagsilang dalangin nito sa bawat pamilya na huwag hayaang mamayani ang pagkalumbay na magdudulot ng kawalang pag-asa sapagkat ipinadala ng Diyos

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Unang dekada ng debosyon kay Poong Hesus Nazareno, ipagdiwang ng Archdiocese of Davao

 6,206 total views

 6,206 total views Ipagdiriwang ng Archdiocese of Davao ang unang dekada ng debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno sa 2025 kasabay ng Jubilee Year of Hope. Itatampok sa pagdiriwang ng kapistahan ang pagbisita ng opisyal na replica ng Poong Jesus Nazareno sa ilang parokya ng arkidiyosesis upang mabigyang pagkakataon na mailapit sa mga deboto at mapaigting

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pangalagaan ang kalusugan ngayong Pasko, paalala ng Pangulo ng Radio Veritas

 6,729 total views

 6,729 total views Patuloy na ipinapanalangin ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang mamamayan sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang kay Hesus. Tinuran ng opisyal ang kalusugan sa pitong aspeto ng buhay: Spiritual, Mental, Emotional, Physical, Financial, Relational, at Vocational Health. Ayon kay Fr. Pascual nawa’y sa pagdating ni Hesus na tangan ang liwanag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Lahat ng Diocese at Archdiocese, hinimok ng CBCP-ECY na magpadala ng kinatawan sa NYD 2025

 10,616 total views

 10,616 total views Hinikayat ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga diyosesis sa bansa na magpadala ng kinatawan sa National Youth Day sa June 10 hanggang 14, 2025. Ayon sa komisyon, mabisang pagkakataon ang NYD 2025 na gaganapin sa Archdiocese of Caceres partikular sa Pilgrim City of Naga upang pagbuklurin

Read More »

Alianca de Santa Maria, magiging bahagi ng National Fatima Convention

 11,134 total views

 11,134 total views Ikinalugod ng pinuno ng Aliança de Santa Maria na maging bahagi sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five Saturdays Devotion ng Pilipinas. Ayon kay Sister Angela Coelho, superior general ng Portuguese congregation na mahalagang maipalaganap sa buong mundo ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima upang magbuklod ang mananampalataya

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Maging liwanag ng pamayanan, paanyaya ni Cardinal Advincula sa mamamayan

 12,397 total views

 12,397 total views Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging liwanag sa pamayanan. Sa pagsimula ng Misa de Gallo pinagnilayan ng arsobispo ang buhay ni San Juan Bautista bilang tanglaw na nagniningas upang ihanda ang daanan ni Hesus. “Mga minamahal na kapatid, hayaan nating tanglawan tayo ng liwanag ni Hesus. Maging liwanag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Reorganisasyon sa Archdiocese of Manila, ipinatupad ni Cardinal Advincula

 12,399 total views

 12,399 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga pari ng Archdiocese of Manila sa iba’t ibang tanggapan at komisyon ng arkidiyosesis. Ayon kay Cardinal Advincula ito ang konkretong pagtugon sa panawagan ng Papa Francisco na maging simbahang sinodal kaya’t pinaigting ng arkidiyosesis ang Traslacion Roadmap at reorganization ng mga ministries

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa misa nobenaryo sa Radio Veritas

 14,767 total views

 14,767 total views Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya sa misa nobenaryo para sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus. Tampok ng himpilan ang tatlong healing masses para sa misa nobenaryo ang alas dose ng hatinggabi o midnight mass at alas sais ng umaga para sa Misa de Gallo mula December 16 hanggang 24 habang ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Episcopal coronation, ipinagkaloob sa La Inmaculada Conception de Batanes

 17,148 total views

 17,148 total views Inihayag ni Batanes Bishop Danilo Ulep na mahalagang parangalan at kilalanin ang Mahal na Birheng Maria bilang ina ng Diyos at sanlibutan. Ito ang mensahe ng obispo sa ginanap na kauna-unahang episcopal coronation ng Prelatura ng Batanes sa imahe ng La Inmaculada Concepcion de Batanes nitong December 9 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Cardinal David, sisikaping maging boses ng Diyos sa sangkatauhan

 17,363 total views

 17,363 total views Sisikapin ng Kanyang Kabunyian Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na patuloy maging tinig ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ang mensahe ng cardinal kasunod ng ginanap na consistory sa Vatican nitong December 7 kung saan kabilang ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa 21 bagong prinsipe ng simbahan. “I identify

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Integridad ng electoral process, tiniyak ng PPCRV

 17,932 total views

 17,932 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mananatili itong tagapagbantay para sa katapatan at malinis na halalan sa bansa. Ito ang pahayag ng election watchdog ng simbahan sa katatapos na National General Assembly kamakailan. Ayon kay PPCRV National Communications and Media Head Ana de Villa Singson bagamat, non-partisan ang grupo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top