Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga obispo sa Bohol, pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa people’s initiative

SHARE THE TRUTH

 19,461 total views

Mahigpit na binalaan ng Diocese of Tagbilaran at Talibon sa Bohol ang mamamayan na huwag magpalinlang sa salapi kapalit ang kinabukasan ng bayan.

Ito ang mensahe nina Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon kaugnay sa pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative na isinusulong ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA).

Binigyang diin ng mga obsispo na pananagutan ng kasalukuyang henerasyon ang maging kinabukasan ng lipunan lalo na ang pagbalangkas ng mga batas na susundin ng mamamayan.

“Busa, kaming inyong mga obispo ug kaparian, nanawagan sa tanang Pilipinong matoohon: AYAW IBUGTI ANG IMONG PIRMA PINAAGI LAMANG SA SALAPI. Paninglan kita sa mga umaabot nga mga henerasyon kon kita magpalingla,” bahagi ng kanilang pahayag.

[Kaya, kaming inyong mga obispo at mga pari, nanawagan sa lahat ng mananamapalatayang Pilipino: Huwag ninyong ipagpalit ang inyong mga lagda sa salapi. Tayo ang sisisihin ng susunod na henerasyon kung tayo ay padadaya.]

Batid nina Bishops Uy at Parcon na may mga umiikot sa lalawigan lalo na sa mga parokya sa kanayunan na nagpapalagda.

Ayon pa sa dalawang obispo, nakababahala na ang isinusulong na People’s Initiative ay hindi dumaan sa wastong proseso gayundin ang usapin na paglalaan ng 20-milyong pisong pondo batay sa salaysay ni Senator Imee Marcos na inilalaan sa bawat distrito ng mga Kongresista para suhulan ang taumbayan kapalit ang paglagda sa P.I.

“Ang makapatingala mao nga walay gihimong konsultasyon ni bisan unsang pagpasabot sa katawhan kun unsa ang unod nianang ilang papirmahan,” ani ng mga obispo.

[Nakapagtataka na walang isinagawang konsultasyon o anumang pagpapaliwanag sa mga tao kung ano ang nilalaman ng kanilangpinapipirmahan.]

Sinabi ng dalawang lider ng simbahan na kaduda-duda ang pagsusulong ng People’s Initiative na maaaring sinusuportahan ng ilang bansa, negosyante o pulitiko na isinusulong ang pansariling interes sa halip na tutukan ang taumbayan.

Gayunpaman iginiit ng mga obispo na walang mali sa mga pagbabagong gagawin sa anumang batas sa bansa ngunit kinakailangang dumaan ito sa wastong proseso at may sapat na konsultasyon at pagpapaliwanag sa publiko.

Tinukoy ng mga lider ng simbahan ang nagpapatuloy na korapsyon, kawalang katarungan, hindi pagkakapantay-pantay, agawan ng teritoryo gayundin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na nararapat bigyang pansin ng mga opisyal ng bayan.

“Apan nasayod kita nga ang problema sa atong nasud dili ang atong balaod, kondili ang sayop o wala pagpatuman sa balaod…Kon walay pagbag-o sa kasingkasing sa tawo, walay charter change nga makasulbad sa atong nagpatongpatong nga problema,” saad ng dalawang obispo.

[Alam nating hindi batas ang suliranin ng ating bansa kundi ang mali at hindi maayos na pagpapatupad ng mga batas. Kung walang pagbabago sa puso ng mamamayan, walang charter change na makalulutas sa mga suliranin ng bansa.]

Una na ring naglabas ng manifesto ang senado bilang pagtutol sa isinusulong na People’s Initiative na layong palitan ang 1987 Constitution.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ghost students

 7,896 total views

 7,896 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 16,076 total views

 16,076 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 32,788 total views

 32,788 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 36,759 total views

 36,759 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Kagutuman

 53,257 total views

 53,257 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top