175 total views
Magiging ganap lamang ang hangad na pagbabago sa lipunan kung magkakaroon mismo ng pagbabago sa mga programa at sa mga taga-pagpatupad ng mga ito mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity, walang pagbabago kung mananatili ang mga opisyal ng gobyerno na hindi naman tunay na nakapagsilbi ng tapat at maayos sa mamamayan.
“Lagi lang tayong nag-aabang ano ba talaga yung mga programa na kanilang gagawin at sino ba talaga yung mga tao na magpapaligid sa kanila so sana yan ay kung gusto natin ng pagbabago dapat may mga bagong tao, may mga bagong programa hindi tayo magkakaroon ng pagbabago kung ang programa ay parepareho.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo, sa Radyo Veritas.
Paliwanag pa ni Bishop Pabillo, malaki ang papel na ginagampanan ng mga miyembro ng gabinete sa sistema ng pagpapatupad ng mga proyekto at programang nakalaan para sa mga mamamayan.
Kaugnay nito, batay nga sa Article 7 Section 16 ng 1987 Constitution, maaring magtakda o maghirang ang Pangulo ng sinuman upang maging bahagi ng kanyang Gabinete sa pahintulot na rin ng Commission on Appointments.
Batay sa tala ng Office of the President, binubuo ng 35 regular cabinet members ang Administrasyong Aquino bukod pa sa 6 na Cabinet-Rank Officials ng Administrasyon