396 total views
Nagpasalamat ang mga lingkod ng Simbahan sa Archdiocese of Cagayan De Oro, Diocese of Maasin at Apostolic Vicariate of Puero Princesa sa igagawad na humanatarian aid ng European Commission (EC) para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Ayon sa mga mensaheng ipinadala sa Radio Veritas nina Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona at Maasin Social Action Center Director Father Harlem Gozo, kasama ng pasasalamat ay ang kagalakan sa tulong ng EC.
Ito ay dahil lubos na matutulungan ng donasyon na aabot sa 21-Milyong Euro ang maraming mamamayan kung saan hahati-hatiin ito para sa mga nasalanta ng Bagyo, mga nakakaranas ng kahirapan sa pag-iral ng sigalot sa bahagi ng Mindanao at Disaster Preparedness ng Pilipinas.
“We are grateful for their solidarity with us. We welcome their support to us for the poor earth and the peace in our communities especially among our Indegneous People communities who are mostly affected with the ongoing arm conflict,” ayon kay Archbishop Cabantan.
Inihayag ni Bishop Mesiona na bukod sa mga nasalanta ng bagyo ay mabibiyayaan din ang mamamayang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
“Malaki ang pinsalang idinulot ng bagyo at mahirapang makabangon ang mga apektadong kumunidad kung walang tulong galing sa labas. Ganun din sa mga na apektuhan dahil sa pandemya,” pagpapabatid ni Bishop Mesiona.
Sinabi naman ni Father Gozo na magiging daan din ng kapayapaan ang humanatarian aid ng EC dahil tutlungan nitong makakain ang mga nagugutom.
“Impact: Magkaroon ng peace and order. Kapag gutom, marami krimen,” ayon sa Pari.
Nagkasundo naman sa kanilang pahayag sina Archbishop Cabantan at Father Gozo kung saan kinakailangan ang pagkakaroon ng “Transparency” ng pamahalaan upang matiyak na hindi mapupunta sa anomalya at korapsyon ang igagawad na humanatarian aid.
Tinukoy ng Arsobispo ang panahon ng pangangampanya sa papalapit na 2022 National and Local Election.
Magugunitang ang Puerto Princesa, Maasin at Cagayan De Oro ay tatlo lamang sa mahigit sampung mga Diyosesis, Arkidiyosesis at Bikaryato na nasalanta ng Bagyong Odette.