268 total views
Magpasalamat, pagyabungin ang pagpapaunlad ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti upang sa gayun ay magbunga ng kabutihan para sa makatarungang lipunan.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng pagkakatatag ng Holy Trinity Academy sa Manila.
Pinangunahan din ni Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng misa ng pasalamat para sa 70 taong pagkakatatag ng paaralan.
“Mga kabataan magpasalamat kayo, may mga batang katulad ninyo na gusting-gusto na magsuot ng uniform nyo. Makapunta sa eskwela, maituloy ang journey to life, to an encounter called education, to an encounter of human development, to an encounter with the Lord,” ang bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.
Inihalimbawa ni Cardinal Tagle ang kaniyang pagdalaw sa Jerusalem at nakilala ang dalawang batang Iraqi na bagama’t nais mag-aral ay hindi maari dahil na rin sa digmaan.
“Please do well for them, walk take the journey, and for them be a good seed that will bear much fruit of justice, truth, integrity. Please the world needs you, the world needs your journey.” Ayon pa sa Cardinal.
Umaasa din ang kaniyang Kabunyian na darating ang panahon na ang lahat ng mga paaralan ay magsilbing kanlungan ng mga batang nangangailangan-lalu na ang mga biktima ng karahasan at digmaan.
“Sana ang ating mga paaralan sa takdang panahon maging tents, for the refugee children could come and go back to their journeys in life. And if that happens, I hope you will all be good seed, and maybe even be flowery and fruit bearing trees so that the weary and the tired could find rest and comfort with us and among us,” pagwawakas ni Cardinal Tagle.
Una na ring nanawagan si Pope Francis sa mga katolikong paaralan na maging bahagi sa paghuhubog ng mga kabataan hindi lamang sa akademya kundi ang buong pagkatao may pagpapahalaga sa kalayaan ng bawat isa, at pagpapakita ng pagmamahal ni Hesus ang pagkakaroon ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay.
Matapos ang misa, pinasinayahan din ni Cardinal Tagle ang bagong tayong gym ng paaralan kung saan isinagawa ang pagdiriwang na dinaluhan ng mga guro, mag-aaral at ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ang Holy Trinitiy Academy ay isang parochial school na itinatag noong 1947 ni Reverend Father Bernardo Torres sa tulong na rin ng Franciscan Sisters of the Immaculate Concepcion.
Sa kasalukuyan ang Holy Trinity Academy ay pinamumunuan ni Rev.Fr. Marion Mark Munda.