339 total views
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang grupo na target ang mga pari.
Ayon kay PSSupt. Benigno Durana Jr. tagapagsalita ng PNP, wala silang impormasyon na nakukuha na may grupong hangad na patayin ang mga pari partikular na mula sa Simbahang Katolika.
“Base po sa aming data, wala po. Linawin ko po… walang ‘deliberate efforts’ by any quarters inside or outside the government na tinatarget po ang kaparian. Ito na lang example ang killings previously for the past six months yung kay Fr. Ventura, Fr. Paez at Fr. Nilo ito po ay unrelated, ang motive po ay iba-iba,” ayon kay Durana sa panayam ng programang Veritasan.
Ayon pa kay Durana, hindi magkakapareho at hindi rin magkakaugnay ang motibo ng pagpatay sa mga pari na sina Fr. Mark Ventura ng Tuguegrao; Fr. Marcelito Paez ng San Jose Nueva Ecija at Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan.
Iginagalang din ng PNP ang paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pagtutol sa pag-aarmas ng mga pari.
No to Guns
Naniniwala din ang opisyal na hindi katiyakan ang pagkakaroon ng baril para sa kanilang kaligtasan.
“When all the dust will settle and our priest and lahat po tayo can really reflect on the issue they would realize that our best protection is ang ating panginoong Hesus -not guns,” ayon kay Durana.
Itinanggi rin ni Durana ang ulat ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga paring nag-apply ng ‘permit to carry fire arms outside their residence’.
“Kinumpara po namin, June of 2017 until June of 2018 and the same preceding periods I think ang tumaas doon ay walo lang,” paliwanag ni Durana.
Sinabi pa ni Durana na matapos din ang pulong sa pagitan ng mga pari ng Diocese ng San Pablo ay nagkakaisa ang mga pari doon na hindi mag-aarmas.
“They have decided among themselves not just not to arm themselves, but to turn over their firearms to the Philippine National Police,” dagdag pa ng opisyal.
Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco ang mga gumagawa ng baril at ang pagkakaroon nito ay nangangahulugan ng lamang ng kawalang tiwala.