396 total views
Tiniyak ng Diocese of Lucena ang paghahanda para sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Rev. Fr. Bryan Cabrera Social Action Director ng diyosesis kabilang sa ginagawang paghahanda ng diyosesis ay ang pakikipag-ugnayan sa mga Kura Paroko ng iba’t-ibang mga Parokya na buksan ang Simbahan upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga maaapektuhan ng bagyong Rolly.
Ibinahagi rin ng Pari ang ginawagang paghahanda ng diyosesis ng mga pagkain para sa maaapektuhan ng bagyo.
Hinikayat rin ni Fr. Cabrera ang lahat na maging handa at taimtim na manalangin laban sa posibleng paglakas pa at pagiging isang Super Typhoon ng bagyong Rolly.
“Regarding sa paghahanda ng diocese, nagreready na kami ng mga pagkain sa mga mas maaapektuhan ng Bagyong Rolly. 2nd [we are having] coordination sa mga Parish Priests and mga Parishes, pagbubukas din ng Simbahan para maging pansamantalang tuluyan nila sa araw mismo ng bagyo. We encourage also people to pray and be ready for this possible Super Typhoon Rolly.” pahayag ni Fr. Cabrera sa Radio Veritas.
Nagpahayag din ng panalangin si Novaliches Bishop Roberto Gaa, Legazpi Bishop Joel Baylon at Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona.
Read: https://www.veritas846.ph/simbahan-nanawagan-ng-panalangin-sa-kaligtasan-ng-mamamayan-sa-pananalasa-ng-bagyong-rolly-at-siony/