Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Midnight healing mass sa Radio Veritas, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

 411 total views

Upang tugunan ang “spiritual needs” ng mga mananampalataya sa Pilipinas, Overseas Filipino Workers at Filipino immigrants ay ilulunsad ng Radio Veritas 846 ang midnight healing mass at eucharistic adoration.

Layunin nitong higit mapalago ang pananampalataya ng mamamayan at mailapit sa tao ang biyaya ng Panginoon. Ayon kay Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual, mahalagang makita ng mamamayan ang lawak ng grasya ng Diyos sa kabila ng panganib na dulot ng pandemya.

“Napakahalaga ngayong panahon ng pandemya na makita ang grasya ng Panginoon at hindi ang panganib sa krisis; ang Banal na Eukaristiya ang pinakamataas na uri ng panalangin upang mapalapit ang grasya ng Diyos,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ito rin ang tugon ng himpilan sa tumataas na kaso ng iba’t ibang uri ng depresyon sa lipunan dulot ng matinding hamong kinakaharap ng mamamayan.

Naniniwala naman si Fr. Roy Bellen, ang Vice President ng Radio Veritas na sa kalaliman ng gabi higit nararamdaman ng tao ang labis na kalungkutan kaya’t mahalagang mapaigting ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

“Alam nating lahat na ang depresyon at kalungkutan umaatake lalo sa gabi kung saan tahimik ang mga tao; people are so vulnerable during this hours kaya gusto ng himpilan na mapatingkad lalo ang sakramento at ang presensyan ng Diyos sa banal na misa para hindi lang words of wisdom mula sa mga pari kundi mismong ang presensya ng Panginoon na magbibigay ng lakas ng loob,” ani Fr. Bellen.

Magsisimula ang midnight mass sa Hunyo 29, 2021 ganap na alas dose ng hatinggabi sa programang Healing Touch sa Veritas kasabay ng kapistahan nina Apostol San Pablo at San Pedro.

Umaasa ang pamunuan ng Radio ng Simbahan na higit mapalalim ang ugnayan ng mananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng komunikasyon sa radyo, telebisyon at social media kung saan mapanuod at mapakinggan ang banal na misa. Layunin din nitong maabot ang mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na iba ang time zone sa Pilipinas upang mabigyang pagkakataon na makadalo at makapakinig ng live mass.

“Ramdam na ramdam ng mga OFW ang labis na kalungkutan sa ibang bansa lalo ngayong pandemya kaya maganda makarinig at makabahagi rin sila ng live mass sa tagalog para mapalakas ang kanilang loob,” dagdag pa ni Fr. Bellen.

Bago ang Banal na Misa magkakaroon ng pagtatanod sa Banal na Sakramento habang sa katahimikan ay idalangin ang mga intensyon at kahilingan ng bawat mamamayan.

Pangungunahan ng mga Healing Touch anchor priests ang misa mula Linggo hanggang Biyernes.

Inaanyayahan ang bawat isa na makiisa sa banal na pagdiriwang at maaring makipag-ugnayan sa himpilan para sa mga prayer request at intentions sa pamamagitan ng telepono bilang 8925-7931 hanggang 39 local 129 o mag-text sa 09176314589 at hanapin si Ms. Renee Jose ang nangangasiwa sa Religious Department ng Radio Veritas.

Ito rin ay bahagi ng pagpapalawak ng Radio Veritas sa misyon ng simbahan lalo ngayong ipinagdiriwang ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas. Mapakikinggan ito sa Radio Veritas 846, Cignal Cable TV channel 313, E-Radio portal at mapapanuod sa livestreaming sa Youtube at Facebook sa Radyo Veritas Ph.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 57,264 total views

 57,264 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 71,920 total views

 71,920 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 82,035 total views

 82,035 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 91,612 total views

 91,612 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 111,601 total views

 111,601 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Paghahari ng kababaang-loob sa pagitan ni PBBM at VP Duterte, dasal ni Cardinal Advincula

 749 total views

 749 total views Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na ipagdasal ang mga lider ng bansa sa gitna ng patuloy na bangayan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte. Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi ng arsobispo na ang nangyayaring political storm sa mga matataas

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Mga Obispo nakahandang mamagitan sa bangayan ng pangulong Marcos at VP Duterte

 1,247 total views

 1,247 total views Iginiit ng opisyal ng Stella Maris Philippines na mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulunga ng mga lider ng bansa. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng grupo, ang nagpapatuloy na hidwaan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte ay lubhang nakakaapekto sa mga Pilipino kaya’t dapat na isantabi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaisa ng mananampalataya sa Diocese of San Pablo, panalangin ni Bishop Maralit

 4,132 total views

 4,132 total views Umaasa si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. na magbuklod ang pamayanan ng Laguna para sa pag-unlad ng pananampalataya. Ito ang pahayag ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis nitong November 21 sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa St. Paul the First Hermit Cathedral.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

 7,634 total views

 7,634 total views Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon. Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU. “The

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 8,841 total views

 8,841 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 8,877 total views

 8,877 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 8,940 total views

 8,940 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 10,669 total views

 10,669 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 11,176 total views

 11,176 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 11,225 total views

 11,225 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 11,226 total views

 11,226 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 11,254 total views

 11,254 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 12,238 total views

 12,238 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 13,535 total views

 13,535 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 13,566 total views

 13,566 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top