3,384 total views
Nanawagan ang Diocese of San Carlos sa mamamayan na isulong ang katarungang panlipunan para sa ikabubuti ng kalikasan, komunidad at kapwa.
Ito ang mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa paggunuta ng Seasons of Creations na may temang Let Justice and Peace Flow na hango sa mga kataga ni Propeta Amos.
Umaasa ang Obispo na sa pakikiisa at pagkundena sa mga gawaing inilalagay sa panganib ang buhay ng mga tagapatagtanggol ng kalikasan ay maaring tuluyang maiwaksi ang mga pagkakataon ng ilegal na pagdakip at Extra Judicial Killings.
“The recent abduction of environmental activists, Jonila Castro and Jhed Tamano, by state forces, serves as a distressing reminder of the challenges we face. Both activists dedicated their lives to opposing damaging ‘reclamation projects’ in Manila Bay and other parts of the country,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.
Pangamba rin ng Obispo na ipinapakita ng karanasan nila Castro at Tamano ang laganap na militarization sa mga paaralan kung saan inilalagay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa panganib ang buhay ng mga estudyante at aktibista.
Paninindigan ni Bishop Alminaza ang pagsasabuhay ng bawat isa sa katarungang panlipunan kung saan malaya at ligtas na maipagtatanggol ng mga grupo, kabataan at iba pang sektor ng mamamayan ang kanilang mga adbokasiya tungo sa pantay na lipunan.
“We remain vigilant and actively engage in efforts to end repressive acts by the military and hold the state accountable. Together, as the people of God, we must work tirelessly on behalf of all Creation, contributing to the mighty river of peace and justice,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza.
Kaugnay nito, sa grupong Church People – Workers Solidarity (CWS) na pinamumunuan rin ni Bishop Alminaza ay patuloy din ang pakikiisa sa mga Labor Leaders at Members na nakakaranas ng paniniil sa kanilang pagsusulong ng tamang suweldo at pantay na benepisyo.
Noong 2022, muling napabilang ang Pilipinas sa listahan ng ‘Most Dangerous top 10 Countries for Labor Leaders and Unionist’ ng Global Rights Index ng dahil sa pagtaas pa ng kaso ng unang 60-miyembro o pinuno ng mga labor groups at environmentalist na pinaslang simula pa noong 2016.