228 total views
Nagpaabot ng pakikiisa at pakikiramay ang Military Ordinariate of the Philippines sa mga nasawing sundalo at pulis sa patuloy na opensiba laban sa teroristang grupong Maute sa Marawi city.
Ayon kay Rev. Father Harley Flores, spokesperson at chancellor ng Military Ordinariate of the Philippines, maituturing na bayani ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng buhay sa gitna nang pakikipaglaban para sa kaayusan at kapayapaan ng bayan.
Inihayag ni Father Flores na nagpalabas ng isang circular letter ang inilabas ng MOP na siyang nagsisilbing diocese ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology at maging Bureau of Fire and Protection upang ipapanalangin ang lahat ng mga namatay, sugatan at patuloy na lumaban para sa kapayapaan ng buong Mindanao.
“This is just to express our sympathy and condolence dun sa mga fallen heroes nating mga sundalo lalong lalo na itong mga naging biktima ng kasalukuyang labanan o giyera sa Marawi, for the information of everybody we have already issued a circular letter address to all camp nationwide to all men and women in uniform. Kasali dun ang PNP, Philippine Coast Guard, BJMP at saka Bureau of Fire na ipagdasal natin itong mga casualty sa nangyayaring giyera sa Mindanao, sa Marawi City particularly and also to pray for peace in our country at nawa ay patuloy na ginagabayan ng Diyos.”pahayag Father Flores sa panayam sa Radio Veritas.
Patuloy din ang Simbahang Katolika sa pananalangin para sa kaligtasan ng mga hostages ng Maute.
Read: http://www.veritas846.ph/karapatang-pantaoisaalang-alang-sa-martial-law-sa-mindanao/
Batay sa tala ng AFP, mahigit sa 100-katao na ang namatay sa nakalipas na 11-araw na bakbakan sa Marawi.