605 total views
Nagpaabot na panalangin at pakikiramay ang Military Ordinariate of the Philippines sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94 na taong gulang.
Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, nawa ay manatiling matatag ang naiwang pamilya at mahal sa buhay ng dating pangulo at heneral na nakilala bilang FVR na sumakabilang-buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.
Panalangin din ng Obispo ang maluwalhating pagtanggap ng Panginoon sa dating opisyal ng bansa na masidhing naglingkod para sa kapakanan ng bayan.
“As a Military Bishop, I offer my sympathy to the family of the late President Fidel V. Ramos at the same time prayer that God may welcome him and forgive him of all his failures and sins while he was still alive with us.”pahayag ni Florencio sa Radio Veritas.
Binigyang pagkilala naman ng Obispo ang integridad ni Ramos bilang isang heneral at pangulo ng bansa na mariing nanindigan para sa tama at para sa kabutihan ng kapakanan ng taumbayan.
Pagbabahagi ni Bishop Florencio, hindi biro ang naging tungkulin ni dating Pangulong Ramos na humarap sa iba’t ibang mga hamon sa kanyang pamumuno tulad ng laban sa kahirapan, katiwalian at pagbabalik ng kasaganahan ng bansa habang pinatatatag ang demokrasya ng bansa.
“As to the legacy, well itong pagkapresidente nalang is all a challenging role alam po natin that hindi po madali lalong lalo na itong situation natin as a people we are always being challenge, challenge of poverty, challenge of corruption, challenge of unemployment and many others. Siguro the thing that I can always say is that he has stood his ground, siguro ito dapat i-acknowlegde natin and as a military man I know that ito rin po ay magandang legacy to stand his ground whatever challenges may come hindi bumibitaw, so alam natin that the late president was really a good state-man and a good military officer.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Si Ramos na nakilala bilang FVR na dating hepe ng Philippine Constabulary na ngayon ay Philippine National Police (PNP) ay isa sa mga mukha ng makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986.
Si Ramos ang ika-12 pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa posisyon mula taong 1992 hanggang 1998.