282 total views
Tutol ang Military Ordinariate of the Philippines (MOP) na armasan ang mga Pari kaugnay sa magkakasusunod na pagpatay sa tatlong Pari ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Oscar Jaime Florencio-kasalukuyang Apostolic Administrator ng Military Diocese, hindi ito ang solusyon sa mga pagpatay kundi maari pang magpalala ng problema.
“As priest we should be peacemakers rather than create havoc and confusion,” ayon kay Bishop Florencio.
Iginiit Obispo na kailangang maging handa ang mga Pari at hindi dapat matakot sa paggawa ng kabutihan.
“We should be ready in anything, what we are doing is for the good of everyone and should not be afraid.”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.
Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na ang pagkakaroon ng baril ay maaring maglikha ng Kultura ng Kamatayan at Kultura ng Galit na taliwas sa misyon ng bawat Pari na iniatang na misyon ng simbahan.
“So the best solution is not to bring guns. The more you bring guns with you, the more you create a culture of death, the culture of hatred,” ayon kay Bishop Florencio.
Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng pagtutol sa pagdadala ng armas ng mga Pari.