2,812 total views
Isulong ang kapayapaan upang epektibong magtulungan ang bawat bansa.
Ito ang mensahe at pagkilala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga banyagang bansa.
Ayon sa Obispo, mahalaga ang mga hakbang ng AFP na pinapatibay ang bilateral relations upang mapalawak ang pakikipag-alyansa katuwang ang ibang bansa.
“Unang-una maganda po ang mga ginagawa nito, to come up bilateral ties, mapaigting po natin dahil alam po natin na hindi lang po ito tungkol sa mga preparation for sigalot, ito rin po ay pagbubuklod ng mga bansa simula doon sa mga more armed forces, at hindi lang din po ito tungkol sa how to reinforce ang ating mga kawal or whatever doon sa kakakayanan nila dahil para sa akin ang tingin ko diyan is more of how we can be a big help also to them, and they are to us as well,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Florencio.
Ang mensahe ng Obispo ay matapos ang malugod na pagtanggap ng Pilipinas sa mga bumisitang banyagang Opisyal noong nakalipas na linggo.
Ilan sa mga ito ay sina Australian Minister of Defense Richard Marles, Chief of United States of American Naval Operations Admiral Michael Gilday, at United Nations Command in Korea (UNC-ROK) Deputy Commander Lt.Gen Andrew Harrison.
Pinangunahan naman nila Department of National Defense Acting Secretary Carlito Galvez, Chief of Staff of the AFP (CASFP) General Andres Centino PA at ni AFP Inspector General LtGen William Gonzales PA ang pagtanggap sa mga foreign officials na bumisita sa Pilipinas.
“Ang tingin ko dito ay ang tingin din ng ating Pope Francis about communion, pakikiisa at synodality kasama doon sa pagkakaisa to participate with other because hindi po ibig sabihin na porket tayo ay isang third world nation wala tayong maicontribute,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Florencio.
Bukod sa mga bilateral relations para isulong ang kapayapaan at ekonomiya ay pangunahing natalakay sa pagitan ng mga Banyagang Opisyal ang pagsusulong ng mga joint military training upang malinang ang kakakayahan ng mga sundalo.
Kaugnay nito ay patuloy din ang paghahanda ng Philippine Army sa nalalapit na pagdaraos ng Balikatan Execercises kasama ang mga US Army na isasagawa sa Abril.