3,197 total views
Nilinaw ni Department of National Defense Acting Secretary Carlito Galvez na hindi paghahanda sa digmaan ang patuloy na pagpapatibay ng Pilipinas sa military ties ibang bansa.
Inihayag ni Galvez na pinapatatag ng Pilipinas ang military ties sa ibang bansa upang bigyan ng kasanayan ang Hukbong Sandatahan na maging handa sa anumang banta ng seguridad at kapayapaan sa bansa.
“As the Commander-in-Chief, President Ferdinand R. Marcos, Jr. directed the AFP recently, we are shifting our focus towards territorial defense, especially in the West Philippine Sea (WPS), our previous engagements and exercises with our partners used to focus on internal security operations now, we are eyeing to strengthen our abilities to respond to external threats that may arise along our border-areas.” ayon sa pahayag ni Secretary Galvez.
Ito ang paliwanag ni Galvez sa mga agam-agam ng ibat-ibang sektor sa pagtatayo ng mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites katuwang ang Estados Unidos.
Layunin din nito na mapatibay ang Disaster Response, Economic Ties at Climate Change Action ng Pilipinas.
Noong 2014, lumagda sa kasunduan ang Amerika at Pilipinas sa pagtatayo ng 5-EDCA sites sa ibat-ibang bahagi ng bansa at sa bisa ng kasunduan nina Secretary Galvez at United States Secretary of Defense Lloyd Austin III ay magtatayo ng apat pang karagdagang EDCA sites.
Naunang ipinaalala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio na unahin ang ikabubuti ng Pilipinas at ng ating hukbong sandatahan sa anumang pakikipagkasundong isasagawa katuwang ang ibang bansa.
READ: https://www.veritasph.net/military-ties-ng-pilipinas-sa-ibang-bansa-kinilala-ng-mop/