273 total views
Tatagal pa ng hanggang buwan ng Mayo ang nararanasang El Niño sa bansa na nasimula noong kalagitnaan ng 2015.
Ayon kay Anthony Lucero, officer in charge ng Climate Monitoring and Prediction Center ng Pagasa, labis na naapektuhan ngayon ng sobrang tagtuyot ang mga lalawigan sa Mindanao.
“Tuloy tuloy ang epekto ng El Nino sa buong Pilipinas, pero ang impact niyan matinding tagtuyot lalo na sa Mindanao, dun sa kanlurang bahagi ng Mindanao, inaasahan natin na magpapatuloy pa yan,nagdadala ng kaulapan at nagbibigay ng ulan ay ang hangin na nanggagaling sa silangang bahagi o easterlies, kapag humampas sa Mindanao ito ay nagbibigay ng ulan sa Caraga, kaya pagdating ng hangin sa kanlurang bahagi wala na yung rain dshadow, yung mga weather system na nagdadala ng ulan sa Mindanao ay lumayo na sa kanila kaya sila ang masyasong naapektuhan, inaasahan natin na magpapatuloy pa yan hanggang Mayo, estimate yan, kaya lang dahil may climate change maraming sorpresa, tanging ang Panginoon lang ang nakakalaam niyan, malalaman naman kung may La Nina pagtapos pa ng buwan ng Hunyo o Hulyo.” Pahayag ni Lucero sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi ni Lucero na kaakibat nito ang hirap ng ekonomiya doon dahil mga taniman at mga magsasaka ang labis na apektado
“Marami sa atin umaasa sa kikitain nila sa kanilang lupain, sa second cropping ang affected, if nagkaroon ng failure sa unang cropping season uutang na sila, malaking epekto ‘yan dahil ‘yung nga magsasaka pinapaikot lang ang kanilang puhunan if nagkaroon ng failure sa first cropping season eh mangungutang na sila sa second cropping season.” Pahayag ni Lucero.
Kaugnay nito, nanawagan si Lucero sa mga taga Mindanao lalo na yung labis na naapektuhan ng El Niño na makipag-ugnayan sa kanilang lokal government units dahil dito idinadaan ng national government ang mga tulong.
“Tinatawagan ng panisn ang lahat, ang El Niño efftect till sa susunod na buwan, pinaalalahaann ang publiko lalo na sa Mindanao na magtipid ng tubid, makipag-ugnayan sa LGUs dahil anumang ayuda na ibabahagi ng pamahalaan ay diyan padadaanin.” Pahayag pa ni Lucero.
Nasa 32 lalawigan sa Mindanao ngayon ang apektado ng El Niño.
Sa pag-aaral ng Food and Agriculture Organization noong Disyembre ng nakaraang taon, maaaring umabot sa 12milyong Filipino na umaasa sa agrikultura ang lubhang maapektuhan ng tagtuyot.
Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si, na ang ating relasyon sa kalikasan ay hindi maaaring ihiwalay sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos, dahil mawawalan ito ng saysay at maituturing na pagkukunwari kung babalewalain ang kapaligiran. (Rhoda Quinto)