Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mining at all costs policy ni PBBM, pinuna ng ATM

SHARE THE TRUTH

 13,550 total views

Patuloy pa ring isinasantabi ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mahihirap na pamayanan upang pagtuunan ang pagpapalakas sa mapaminsalang industriya ng pagmimina.

Ito ang pahayag ni Alyansa Tigil Mina Chairperson Rene Pamplona kaugnay sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Pamplona, dalawang taon makalipas umupo bilang punong ehekutibo ng Pilipinas, lalo pang isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagbuhay sa sektor ng pagmimina sa bansa.

“Mining at all costs. Big business over marginalized communities. This is how the members of Alyansa Tigil Mina (ATM) sum up the two-year old administration of President Bongbong Marcos, Jr. concerning the mining industry,” ayon kay Pamplona.

Patuloy naman ang panawagan ng mga apektadong lugar tulad ng pagbabarikada ng mamamayan ng Brgy. Didipio sa Kasibu, Nueva Vizcaya, Sibuyan Island sa Romblon, Brooke’s Point sa Palawan, at Homonhon Island sa Eastern Samar, upang bawiin ang mining permits at tuluyang ihinto ang ilegal na operasyon ng pagmimina.

Sa kabila nito, isinasantabi pa rin ito ng administrasyon at iginigiit na makatutulong ang pagmimina sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Pamplona na mismong si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang nagsabi na noong katapusan ng 2023 ay umabot lamang sa 0.5 porsyento ang ambag ng pagmimina sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Bukod naman sa large-scale mining, pinahihintulutan din ng kasalukuyang administrasyon ang seabed quarrying at offshore mining sa kabila ng ipinatutupad na moratoryo sa mga bagong aplikasyon.

Batay sa ulat ng mga apektadong pamayanan, pinalalabas na river dredging ang isinasagawang seabed quarrying sa Pangasinan, Zambales, Marinduque, Oriental Mindoro, Negros Occidental, at Cagayan, at hinihinalang gagamitin para sa reclamation project sa Manila Bay.

“Furthermore, unabated mining happens in the context of disastrous landslides in mining areas and in an escalating climate crisis. We have repeatedly stated that the destruction of the environment and the violations of the human rights of communities, especially those of indigenous groups, women and the youth, through mining and other extractive activities are simply unacceptable,” giit ni Pamplona.

Hinamon naman ng ATM ang mamamayan na manindigan para sa kapakanan ng mga apektado ng pagmimina, at papanagutin ang pamahalaan sa patuloy na pagpapahintulot sa mapaminsala at mapanganib na paraan ng pag-unlad.

Sa Laudato Si’, una nang nagpahayag ng mariing pagtutol ang Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,055 total views

 38,055 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,130 total views

 49,130 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 55,463 total views

 55,463 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,077 total views

 60,077 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 61,638 total views

 61,638 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for protection against typhoon, inilabas ni Bishop Santos

 85 total views

 85 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang patuloy na kaligtasan ng bansa mula sa banta ng Super Typhoon. Ayon kay Bishop Santos, nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng mga sakuna. Dalangin din ng obispo ang katatagan at karunungan ng mga lider ng bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

 378 total views

 378 total views nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap. Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan sa Bicol, muling naghahanda sa banta ng bagyong Pepito

 478 total views

 478 total views Naghahanda na muli ang Diocese of Virac para sa inaasahang pagtama ng binabantayang Bagyong Pepito, na may international name na Man-Yi. Sa panayam sa Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Caritas Virac executive director, Fr. Renato dela Rosa, na muling bubuksan ang mga simbahan sa diyosesis upang magsilbing evacuation sites para sa mga residenteng kailangang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, pinangangambahan

 954 total views

 954 total views Nangangamba si San Carlos Diocesan Social Action Director, Fr. Ricky Beboso, sa posibleng epekto ng patuloy na pagbuga ng makapal na usok at abo mula sa bulkang Kanlaon sa mga kalapit na pamayanan. Ayon kay Fr. Beboso, ang patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan ay nagdudulot ng pangamba hindi lamang sa kaligtasan,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, kinatawan sa COP29 summit

 1,786 total views

 1,786 total views Magsisilbing kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP29 Summit na magsisimula ngayong araw November 11 hanggang 22, 2024 sa Baku City, Azerbaijan. Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring vice president ng Caritas Philippines, ang kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 2,712 total views

 2,712 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 3,539 total views

 3,539 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 3,579 total views

 3,579 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 4,847 total views

 4,847 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 5,229 total views

 5,229 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 5,627 total views

 5,627 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 6,789 total views

 6,789 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 5,441 total views

 5,441 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 5,783 total views

 5,783 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 5,764 total views

 5,764 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top