174 total views
Pina – aayos at pinapalinaw ni incoming Diocese of Bacolod Bishop Patricio Buzon sa papasok na administrasyon ang ibig sabihin ng “responsible mining” na magpapa – unlad sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Bishop Buzon,matagal ng sinasamantala ng ilang ng ang hindi malinaw na depinisyon sa konstitusyon ng responsible mining kaya iminungkahi nito na maglatatag muna ng moratorium upang pag – aralan ang “Mining Act” ng bansa.
“Responsible mining is a very big word or phrase to coin. Ang sa amin we made an statement on that here in Negros na ang unang aayusin ang ‘Mining Act’ because the present law is very disadvantageous sa atin and what we asked is habang inaayos natin itong ‘Mining Act’ mag – moratorium muna. Kasi andami ng nagsabi na responsible mining but what is responsible mining? Every mining firm has its own arbitrary definition of that,” bahagi ng pahayag ni Bishop Buzon sa panayam ng Veritas Patrol.
Naniniwala naman ang obispo ng Bacolod na kung magiging reponsable lamang sa pagmimina at magkakaroon ng konkretong sistema na makatitiyak sa kaligtasan ng kalikasan at ng taumbayan ay uunlad ang kalakaran ng pagmimina sa bansa.
“Just define first what is responsible mining. And we if we are clear about that it protects ecology, that protects people and then it is not disadvantageous in the country. I supposed that with science and technology, if they are used properly they bring about progress for the economy I supposed also will depend on our facilities,” giit pa ni Bishop Buzon sa Radyo Veritas.
Sinasabi sa United States Geological Survey, number one ang Pilipinas na producer ng nickel na kadalasang ginagamit sa mga materyales sa paggawa ng bahay at mga sasakyan. Nasa ika-dalawampu’t walong puwesto naman ang Pilipinas sa mga gold-producing country sa buong mundo.
Nauna na ring hinimok ni Pope Francis ang mga mining industry sa mundo na magkaroon ng radikal na pagbabago na pagkilala ng dignidad at dangal ng mga komunidad lalo na sa mga mahihirap na bansa tungo sa pangangalaga ng kalikasan.