137 total views
Magkakaroon na ng Ministry sa bawat Diocese para tutukan ang same sex attraction.
Ito ang ibinahagi ni Daet Bishop Gilbert Garcera,chairman ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life sa conference on same sex attraction sa Pope Pius XII Catholic Center sa U.N Avenue, Paco, Manila.
Ipinaliwanag ni Bishop Garcera ang pagtatatag ng ministry ay tugon ng Simbahang Katolika sa usapin ng same sex attraction sa Pilipinas.
Ayon sa Obispo, layon nitong ipaliwanag ang stand ng Simbahan sa kahalagahan ng pagpapakasal ng lalaki at babae at hindi sa lalaki sa kapwa lalaki o babae sa kapwa babae.
“Main objective na maging malinaw sa mga tao kung ano ang stand ng simbahan tungkol sa matrimony, ang kalagayan ng identity ng tao at marinig ang napakaraming kuwento sa pagbabago ng buhay ng mga kapatid nating nasa same sex attraction. Hindi ito sakit o problema in a sense sa buhay. Ang kinakailangan is to accompany these people specially sa human weakness natin,”paliwanag ni Bishop Garcera.
Inihayag ni Bishop Garcera na napakalinaw sa Amores Laeticia na kailangan silang igalang bilang tao, gabayan sa kanilang kahinaan at hindi kokondenahin.
“Ang mahalaga po na sa mga Diocese na may response tayo sa same sex attraction na tinatawag na gay and lesbian na inaalagaan ng simbahan ng mga parokya at diocese ang mga taong ito. Kaya ang mga Dioceses over the Philippines to help to assist them in the sense of welcome, in the sense of integration, in the sense of understanding and a sense of accompaniment sa mga taong ito,” pahayag ng Obispo.
Samantala, mula sa Laylo US based survey, pito sa sampung Filipino ay hindi sumasang-ayon sa same sex marriage o 70-porsiyento ang tutol na maging legal ito sa Pilipinas.