Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 398 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Corpus Christi, ika-11 ng Hunyo 2023, Jn 6:51-58

Minsan, umattend ako ng house blessing. Humingi ng permission ang pamilya sa bishop na magmisa sa bahay para makasimba ang mga kapamilya nilang maysakit at bedridden. Ang parish priest ang nagmisa, sa reception ako inimbita. E dahil napaaga nang kaunti ang dating ko, inabot ko pa ang Misa sa bahagi ng “Ama Namin”.

Ang pinagdausan ng Misa ay ang sala ng bahay, pero langhap na langhap na ang mga bagong lutong putahe na sinisimulan nang i-serve sa mesa. Ipinwesto pa naman ang altar sa direksyon na malapit sa buffet table. Nakatutok ang pari sa Misa pero nakaharap ang mga tao sa Mesa. Habang nagkokomunyon, natatanaw ng mga tao ang masasarap na pagkain. Nakakagutom.

Pagkatapos ng post-communion prayer nag-anointing of the sick pa ang pari kaya medyo na-delay pa nang konti. Pagkatapos niyang magbigay ng final blessing, ang sabi ng pari: “Tapos na ang Misa, tayo na sa mesa!” Ay ang lakas ng sagot ng mga nagsimba: “SALAMAT SA DIYOS!”; may kasama pang palakpakan.

Sa araw na ito ng pyestang Corpus Christi, pagnilayan natin ang kaugnayan ng Misa sa Mesa. Sa sulat ni San Pablo sa chapter 11 ng 1 Corinthians, ang tawag sa Misa ay “Paggunita sa Huling Hapunan.” Nakapaloob pa pala ito noong una sa regular na hapunan o kainan. Sa verses 20-21, malalaman natin kung paano ito nahiwalay. Sabi ni San Pablo, “Kapag nagtitipon kayo upang ipagdiwang ang Banal na Hapunan, hindi tama ang ginagawa ninyo, dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom.”

Sabi pa niya sa v. 22, “Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang pagtitipon ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap. Hindi kapuri-puri ang ganyan.” Ayun, mula noon nahiwalay na ang paggunita ng huling hapunan sa regular na hapunan.

Pero totoo namang ang buong Misa ay pagsasalo sa Mesa, di ba? Kaya nga sa loob ng mga simbahan natin, ang center of attraction ay ang altar at ambo, na tinatawag ni Pope Benedict na dalawang mesa ng Misa: ang Mesa ng Salita ng Diyos at ang Mesa ng Eukaristiya. Ang Liturgy of the Eucharist ay kasunod ng Liturgy of the Word—parang bang extension ng pagsasalo sa unang mesa—mula sa pagsasalo sa Salita ng Diyos, tungo sa pagsasalo sa Salitang ito na nagkatawang-tao kay HesuKristo, ang Anak ng Diyos na nag-alay ng sarili bilang pagkaing pantubos. Kapag tinatanggap natin siya, tayo at siya ay nagiging iisa. Nagiging kabahagi tayo ng “Katawan ni Kristo”—ang samahan ng mga alagad, at sa atin nagpapatuloy ang pagkakatawang-tao ng Diyos.

Tutukan muna natin ang MESA NG SALITA. Sa ating unang pagbasa, ito raw ang dahilan kung bakit ang ibinigay na pagkain ng Diyos sa Israel nang tawirin nila ang disyerto ay MANNA. Parang “survival food”, kumbaga, pantawid gutom. Kakainin mo kahit hindi masarap para lang malamnan ang tiyan. Kaya pala tinawag na “bread of affliction” o “tinapay ng pagdurusa” ang manna at may mga panahon na ayaw na nila itong kainin dahil namimiss na nila ang dating kinakain nila sa Ehipto.

Sa verse 3 ng binasa natin sa chapter 8 ng Book of Deuteronomy, sabi ni Moises, “Tinuruan kayong magtiis ng gutom at pagkatapos, binigyan niya kayo ng ‘manna’ – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman, maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Panginoon.”

Ito ang background ng daily bread o “pagkaing pang-araw-araw” na hinihingi natin kapag dinarasal natin ang Ama Namin. Ang tinutukoy pala ay SALITA NG DIYOS bilang pantawid natin sa disyerto ng buhay dito sa mundo. At ito naman ang punto ng ating Gospel reading—ang naging batayan ng turo ng simbahang Katolika tungkol sa pangalawang Mesa: Mesa ng Eukaristiya.

Ang tinutukoy na “tinapay ng buhay” ay ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao kay Hesukristo. Siya ang ipinagkaloob sa daigdig bilang mannang pantawid, ang Salitang alok ng Diyos bilang “pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan”. Siya ang Tinapay ng buhay na bumaba, na higit pa daw sa mannang tinanggap ng Israel sa disyerto. Naitawid nga sila patungong Lupang Pangako, pero nangamatay pa rin sila. Ang tinutukoy na tinapay mula sa langit ay ang magtatawid sa atin patungo sa paghahari ng Diyos, sa buhay na walang hanggan.

Sa pamamagitan ng pagkakaloob niya ng sariling laman at dugo bilang kordero ng Paskwa, ang pagkaing pantawid, ibig niya na siya at tayo ay magkaisa. Kaya ang tawag natin sa pagtanggap natin sa Eukaristiya ay COMMUNION, pakikipagkaisang-puso at diwa kay Kristo. Upang maganap ito, siya ang naging kordero ng Diyos na nagsilbing pantubos sa kasalanan ng mundo.

Siya ang pumalit sa korderong kinatay at pinagsaluhan ng bayang Israel nang gabing iyon ng unang Paskwa, nang dumaan ang anghel ng kamatayan at naligtas ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahud sa mga pintuan. Iyun ang naging hudyat ng kanilang pagtakas sa Ehipto at pagtawid sa mga balakid at agwat tulad ng dagat na pula at sa disyerto.

Sa bagong Paskwa ng Kordero ng Diyos ang pinaka-agwat o balakid na kailangang tawirin ng lahat ng tao ay ang kasalanan at kamatayan. At ang destinasyon na lupang pangako ay ang Kaharian ng Diyos. Ang pantawid ay walang iba kundi si Kristo mismo, ang buhay niya, ang katawan at dugo niya. Siya ang paring taga-alay, siya rin ang korderong iniaalay. Ang sinumang nakikipagkaisa sa kanyang ay dapat ring matutong makipagkaisa sa kapwa alagad—sa pag-aalay ng sarili, laman at dugo.

Sa pagtanggap natin kay Kristo, siya at tayo ay nagiging iisa. Sabi nga ni San Pablo sa ating 2nd reading: “Ang kalis ng pagpapala na atin ipinagpapasalamat, hindi ba ito pakikilahok sa dugo ni Kristo? At ang tinapay na ating pinagsasaluhan, hindi ba ito pakikilahok sa katawan ni Kristo?” Tayo ay nagiging bahagi ng buhay na katawan ni Kristo na nagpapatuloy sa kanyang gawain pagtubos sa mundo, pantawid ng sangkatauhan tungo sa buhay na walang-hanggan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 31,336 total views

 31,336 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 42,411 total views

 42,411 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 48,744 total views

 48,744 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 53,358 total views

 53,358 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 54,919 total views

 54,919 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,025 total views

 6,025 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,155 total views

 8,155 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,154 total views

 8,154 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,156 total views

 8,156 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,152 total views

 8,152 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,023 total views

 9,023 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,225 total views

 11,225 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,258 total views

 11,258 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,612 total views

 12,612 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,709 total views

 13,709 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 17,918 total views

 17,918 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,637 total views

 13,637 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,006 total views

 15,006 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,267 total views

 15,267 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 23,960 total views

 23,960 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top