311 total views
I-alay para sa pambansang kapayapaan ang lahat ng misa at novena ngayong araw, Andres Bonifacio day.
Ito ang naging panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parokya at sa mamamayang Filipino.
Maging ang “angelus ringing of bells” ganap na alas-sais ng gabi ay i-alay din para sa kapayapaan.
Ginawa ni Cardinal Tagle ang panawagan kasunod ng iba’t-ibang banta ng terorismo tulad ng madugong pambobomba sa Ezperansa Parish church sa Sultan Kudarat, sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi, pagkahati-hati ng taumbayan dahil sa Marcos burial, culture of impunity dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng kaso ng extra-judicial killings sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga at kawalan ng katarungan sa bansa.
“His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle is requesting us to offer the Wednesday mass and novena today for peace in our country. Our Angelus ringing of bells at 6pm will be for this intention too.” mensaheng ipinadala ni Archdiocese of Manila Vicar General Msgr.Clemente Ignacio.