434 total views
Isasagawa ng Arkidiyosesis ng Cebu ang Archdiocesan Mission Congress sa November 20, 2021 bilang bahagi ng pagdiriwang sa 500 Years of Christianity.
Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones, layunin ng virtual gathering na higit mapalalim ang kamalayan ng mananampalataya sa kristiyanismo at maibahagi sa buong pamayanan.
“The main purpose is to give importance to our Christian faith both as a gift and a mission,” ayon kay Bishop Billones.
Isa ito sa mga tampok na gawain ng Sub-committee on Parish and Archdiocesan Mission Congress na pinamuan ni Bishop Billones at paghahanda sa culmination activity ng 500 YOC na Second National Mission Congress na isasagawa sa Abril 18 -22, 2022 sa Cebu.
Sinabi naman ni Father Euselito Tulipas , chairman ng Cebu Archdiocesan Commission on Mission na layunin ng mission congress na matuklasan ang missionary nature ng simbahan lalo na sa lalawigan na may malaking papel sa paglaganap ng kristiyanismo ng bansa.
Tampok sa virtual mission congress ang panayam nina Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo na tatalakay sa ‘Missio Ad Gentes: Gifted to Give’; at Fr. Antonio Pernia, SVD, Dean of Studies in Divine Word Mission Institute Studies, na magpapaliwanag sa temang “Parokya: Misyonerong Katilingban sa mga Kabus, Gigasahan Arun Mopaambit.”
Magtatapos naman ang pagdiriwang sa isang misa na pangungunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma mula sa Pope St. John XXIII Seminary.
“This hopefully will encourage every baptized to recognize, appreciate, and renew the gift of our Christian Faith,” dagdag ng obispo.