5,403 total views
Kinikilala ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na maituturing na paglilingkod at pagmamahal sa bansa at sa kapwa ang ginagawang pagbabantay ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa tuwing may halalan sa bansa.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa ikatlong novena mass para sa PPCRV Prayer Power na inisyatibo ng pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan bilang paghahanda sa nalalapit na Midterm National and Local Elections sa ika-12 ng Mayo, 2025.
Ayon kay Archbishop Alarcon-National Spiritual Director ng PPCRV, mahalaga ang masigasig na pakikilahok at partisipasyon ng mga mamamayan upang mabantayan ang kapakanan ng bayan kaya naman mahalaga ang ginagawang tungkulin ng PPCRV na pagbabantay sa katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan sa bansa.
“It is our duty to serve our country, what we [PPCRV] do and what we have been doing is an expression for our love for country and our local communities. Once again, we take on this difficult and challenging task because nothing good is achieved without engagement and sacrifice, thus we have to work and make our little contribution this is actually citizens engagement,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Alarcon.
Paliwanag ng Arsobispo, mahalaga ang ambag ng PPCRV at ng mga volunteers nito sa buong bansa upang matiyak ang patuloy na pag-iral ng demokrasya ng Pilipinas.
“PPCRV is no savior of the country but certainly you dear volunteers have been making this important contribution for our Philippine society.” Dagdag pa ng arsobispo.
Sa pagsisimula ng campaign period o panahon ng kampanya para sa pambansang posisyon sa Senado at party list sa Kongreso ay ipinanalangin ni Archbishop Alarcon ang intensyon ng lahat ng kandidato gayundin ang lahat ng mga botante, bumubuo sa kabuuang proseso ng halalan.
“We rely not only in our work and efforts but on God’s grace and assistance. We pray for all PPCRV volunteers, collaborators, supporters, the national board, and secretariat. We pray for our country, to those who directly involved in the electoral process, we pray that we may have CHAMP elections this 2025,” ayon pa sa arsobispo.
Ayon pa kay Archbishop Alarcon, ang pagsusumikap ng PPCRV na maimulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng kanilang boto para sa kapakanan at kinabukasan ng buong bansa.
“What I see in you dear brothers and sisters is that you are citizens who care for our country that despite challenges in logistics, you have been willing to help there in your own provinces, dioceses, cities, municipalities, parishes, social action centers, volunteers take time to organize themselves to give their share on this important political exercise.”
Inilunsad ng PPCRV ang Prayer Power Journey for Election noong December 2024 na magtatagal hanggang sa May 12, 2025 sa araw ng halalan upang ipanalangin ang aktibong pakikibahagi ng 68 milyong botante sa bansa at matiyak ang ‘Clean, Honest, Accountable, and Peaceful Elections’ o CHAMP May 2025 elections.
Nagsimula ang PPCRV Prayer Power Journey for Election sa PPCRV Mindanao sa pangunguna ni Davao Archbishop Romulo Valles.