183 total views
Lalagda sa isang Memorandum of Agreement ang Department of Justice at ang Caritas Manila Restorative Justice Ministry.
Gaganapin ang MOA signing sa tanggapan ng Caritas Manila alas 2:30 mamayang hapon.
Ayon kay Sr. Zeny Cabrera, spokesperson ng ministry, layunin nitong maipagpatuloy ang kanilang mga programa gaya ng formation ng walang sagabal sa mga preso sa New Bilibid Prison na una ng naghigpit dahil sa seguridad.
“Ito ang mapagtitibay ng programa ng buhay na ipapasok namin sa NBP. Ito yung aming tuloy tuloy na pagbibigay ng formation para sa mga bilanggo, pinipilit namin maprotektahan ang programa, hindi magiging tuloy tuloy, kaya naisip namin na ilapit ito sa mga namamahala, kapag lumalapit kami sa itaas nahihirapan kami dahil hindi alam sa baba.” pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam ng Radio Veritas.
Nauna ng naghigpit ang NBP sa mga bumibisita sa mga bilanggo dahil sa usapin ng pagpapasok ng iligal na droga at iba pang kontrabando gaya ng gadgets bna mahigpit na ipinagbabawal.
Papel ng Simbahan ang hindi lamang pumuna sa mga nagagawang mali ng estado kundi ang makipagtulungan ito sa mga programa ng pamahalaan para sa maaayos na pamamalakad para sa kapakanan ng nakararami
Sa record ng Bureau of Jail Management and Penology hanggang September ng 2015, nasa 94, 320 ang bilang ng mga bilanggao sa buong bansa.