433 total views
Tiwala si outgoing Agriculture Secretary William Dar na matutugunan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang mga suliranin ng kinakaharap ng Department of Agriculture (DA).
Bilang incoming Agriculture Secretary ni President-elect Marcos, inaasahan ni Dar na papaigtingin nito ang mga proyekto ng National Agricultural and Fisheries Modernization Industrialization Plan (NAFMIP) at pagpapatuloy ng MASAGANA 150 at MASAGANA 200 na inilunsad ng kagawaran.
Sa pamamagitan ng isang press conference, inihabilin ni Dar kay President elect Marcos ang mga mungkahi at proyektong inilunsad ng D-A upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at magandang kalidad ng bigas.
“Part of our due diligence and commitment of unity and support to the incoming administration and the agriculture sector is this transition report where we laid out immediate and pressing concerns and propose solutions” pahayag ni Dar.
Umaasa si Dar na paiigtingin ng pangulong Marcos ang “modernization at digitalization” ng sektor ng Agrikultura sa bansa.
“It has to be done in a way that you have various partners and to hasten itong digitalization ng agrikultura we have started yung pamimigay ng fertilizer subsidy, voucher system, off course hindi digital yan but eventually we would like to use yung mayroon kaming binigay na Interventions Monitoring Card (IMC),” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa Radio Veritas.
Unang nanawagan si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari kay President-elect Marcos na pakinggan at agad na tugunan ang mga suliranin ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura sa kaniyang paninilbihan bilang susunod na pangulo ng Pilipinas at kalihim ng DA.