1,772 total views
Sinimulan ng Defense Forces ng Pilipinas at United States of America ang Capstone Pacific 23-4 program.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtitipon nila Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt.Gen Romeo Brawner kasama ang mga delegadong Generals at Flag Officers ng USA Defense Forces sa pangunguna ni former Ambassador to the Republic of Korea at former commander ng US Pacific Command na si Admiral Harry Haris.
Inihayag ni AFP Public Affairs Chief Lt.Col Enrico Gil Ileto na mahalaga ang pagdaraos ng katulad na pagtitipon upang mapanatili ang pangangalaga ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region.
““The interaction was vital in giving the delegates first-hand insights to national defense and security objectives of the AFP and its position in the promotion of a free and open Indo-Pacific region,” ayon sa mensahe ni Lt.Col. Ileto na ipinadala sa Radio Veritas.
Tiniyak ni Ileto na itutuon ang pagtitipon sa modernization ng dalawang panig kasabay ng pagpapatibay ng alyansa katuwang ang ibang bansa at paninindigan ng Pilipinas sa inaangking West Philippine Sea.
Ang Capstone Pacific 23-4 program ay ang pagtitipon sa pagitan ng mga General at Flag Officer ng defense forces ng dalawang bansa na magtatagal sa loob ng limang-linggo.
Una ng ipinaalala ng Military Ordinariate of the Philippines na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino at hanay ng ating defense forces tuwing magkakaroon ng mga katulad na pagtitipon katuwang ang ibang bansa.