1,861 total views
Personal na nagpulong ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Military Ordinariate of the Philippines sa nagpapatuloy na 5th Visit of the Pilgrim Relics of Saint Therese of the Child Jesus sa bansa.
Pinangunahan nina DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagpupulong na siyang nangangasiwa sa pagtiyak ng kaayusan at seguridad ng paglalakbay ng relikya ni St. Therese of the Child Jesus sa iba’t ibang mga diyosesis sa buong bansa.
Una ng inihayag ni Bishop Florencio na malaking biyaya ang muling pagdalaw ng relikya ni Sta. Teresita sa bansa na isang paanyaya upang muling pag-alabin ang pananampalataya ng bawat isa sa Panginoon.
Tema ng pagdalaw ng relikya ni Sta. Teresita ang ‘Lakbay Tayo St. Therese! Ka-Alagad, Kaibigan, Ka-Misyon!’
Ang relikya ni Sta. Teresita ay dumating sa bansa noong ikalawa ng Enero, 2023 kasabay ng ika–150 kapangakan nito at magtatapos naman ang pagdalaw sa ika-30 ng Abril, 2023.
Unang dumalaw sa bansa ang pilgrim relic ni St. Therese taong 2000 at nasundan noong taong 2008, 2013, at 2018.