2,006 total views
Hinimok ng Military Ordinadinariate of the Philippines (MOP) ang bawat isa na payabungin ang katangiang mapagkalinga sa kapwa.
Ito ang mensahe ni MOP Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita World Humanitarian Day tuwing August 19.
Ayon sa Obispo, ito ay dahil narin sa mensahe ng Panginoon sa sanlibutan na magsilbing pag-asa para sa kapwa.
Sa pamamagitan ito ng pagiging mapagbigay na may bukal na kalooban higit na tuwing nakakaranas ng anumang uri ng sakuna at kalamidad ang kapwa.
“We need to extend our help and even our finances because we are made for each other, we were not created for ourselves alone we need to realize that, there is a great and impending duty for others, may this World Humanitarian Day enable to sow the seeds of charity in all of us so that the fruits of our labor can bear a hundredfold.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Florecio sa Radio Veritas.
Unang kinilala ni Bishop Florencio ang mga hakbang ng Armed Force of the Philippines (AFP) na makipagtulungan sa ibang bansa.
Ito ay upang mapatibay naman ang alyansa at humanatarian and disaster response ng Pilipinas katuwang ang ibang bansa.
Bilang paggunita sa World Humanitarian Day, tiniyak narin ng Caritas Manila ang patuloy na pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad higit na sa mga kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.
Taong 2003 ng masawi ang 22-Humanitarian Aid Workers ng United Nations (UN) Special Representative of the Secretary-General for Iraq sa mga serye ng pangbobomba sa bansa.
Taong 2009 ganap na itinalaga ng UN ang August 19 bilang World Humanitarian Day bilang pag-aalala sa sakripisyo ng mga nasawing kawani sa Iraq kasabay ng pagkilala sa lahat ng humanitarian workers at humanitarian groups sa buong mundo.