362 total views
Tiniyak ng Mother Butler Guild ang pag-aalay ng panalangin para sa kagalingan ng lahat ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 kabilang na ang dating Arsobispo ng Maynila na si Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ayon kay Former Ambassador to the Holy See Henrietta T. De Villa na siya ring National President ng Mother Butler Guild, bagamat isang magandang balita ang pagdating sa Pilipinas ng Cardinal ay nakalulungkot naman ang pagpositibo nito sa COVID-19.
Ipinagpapasalamat naman ng dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na asymptomatic at walang anumang sintomas ng sakit na nararamdaman ang Cardinal.
Pagpapahagi ni De Villa, bukod sa Mother Butler Guild ay kaisa rin sa pananalangin sa mabilis na paggaling ng mga may COVID-19 ang Talita Kumi Philippines Foundation at ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
“I was so dismayed to learn that Cardinal Chito Tagle upon arriving in Manila tested positive for COVID-19. What an awful welcome for our cherished Cardinal, some consolation though that he’s asymptomatic. My family & I, also all Mother Butlers nationwide, as well as our Talita Kumi Phils Foundation, & PPCRV join the millions praying for him. May Jesus cover Cardinal Chito with His Divine Mercy & remove all traces of COVID-19 in him.” Pahayag ni de Villa sa Radio Veritas.
Sa Circular No. 20-61, umapela si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Acting President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na isama sa mga panalangin at mass intentions ang mabilis na paggaling ni Cardinal Tagle.
Sa tala ng Holy See Press Office si Cardinal Tagle ang kauna-unahang opisyal ng Vatican dicastery na nagpositibo sa COVID-19 habang sa Pilipinas si Cardinal Tagle naman ang ika-limang opisyal ng Simbahan na nagpositibo sa sakit.