608 total views
Matapos ang halos isan taon, nagbitiw na bilang tapagsalita ng Bureau of Corrections si Msgr. Roberto ‘Bobby’ Olaguer, ang chaplain ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Ayon sa pari, tinanggap naman ng pamunuan ng ahensiya ang kanyang pagbibitiw lalo na at naging kontrobersyal ang kanyang mga pahayag sa engkuwentro ng mga tauhan ng New Bilibid Prison at ng Special Action Force sa isang raid sa bilanguan kamakailan.
“Nag-resign na ako as spokesperson ng Bureau of Corrections since Monday, may nabitawan akong salita noong last week na totoo naman na nakaka…daw sa image ng bureau o ng staff, di ko naman pwede bawiin yun, tinanggap naman at mag-aasign na lang daw ng iba.” Pahayag ni msgr. Olaguer sa programang Veritasan ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, ayon kay Msgr. Olaguer dumadalo ngayon sa re training ang mahigit 200 kawani ng NBP karamihan dito mga jail guard sa Camp Vicente Lim sa Laguna upang mapataas ang kanilang moral.
Ayon kay Msgr. Olaguer, bumaba ang moral ng mga kawani matapos silang pagbintangan na mga scalawags.
“Pinipilit nating itaas ang moral ng mga empleyado , may guard kami na higit 200 nagre- training ngayon ang mga prison guard, marami pa ring matutuwid pero ni-lable sila ng isa isa sa lider natin lahat sila scalawags medyo na demoralize sila, kaya nagte-train sila sa Camp Vicente lim, at binibigayn ko sila ng moral booster at mapalakas pa ang loob nila para di sila ma-demoralize.” Pahayag ni Msgr. Olaguer.
Nito lamang linggo, nakakumpiska muli ng mga shabu, pera, armas at mga gadgets sa NBP na ayon kay Msgr. Olaguer ay posibleng tira-tira na lamang ng mga bultuhang nakumpiska noon.
“May mangilan-ngilan na lang na nakukuha na shabu, siguro mga tira o personal na gamit na lang nila, palagay ko wala ng makapagpasok ng bulto-bulto, nakapahigpit na talaga, yan ang inaasahan natin ang maging parang success operation ang SAF.” Ayon kay Msgr. Olaguer.
Sa record ng (BKMP) o Bureau of Jail Management and Penology, nasa higit 94,000 ang nakakulong hanggang nitong September ng 2015 kung saan higit 64,000 dito may kinalaman sa iligal na droga.