905 total views
Kinundena ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling pagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.
Ayon kay Caritas Philippines national director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang muling pagpapaliban ng halalang pambarangay sa ikatlong pagkakataon mula noong 2016 ay maituturing na pagsasawalang bahala sa kahalagahan at tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay.
“Pushing back the barangay and SK elections for the third time since 2016 reflects how our national political leaders undermine the importance of barangay level politics in the exercise of our democratic rights,” Bishop Bagaforo.
Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na hindi dapat pigilin ng pamahalaan ang pagsasakatuparan ng halalang pambarangay na nasasaad sa batas.
Iginiit ng Obispo na mahalaga ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sapagkat mayroon itong direktang epekto sa buhay ng bawat mamamayan.
“It is not right for the government to suppress electoral processes, especially that the barangay and Sangguniang Kabataan elections are seen as the most accessible and organic form of citizen’s engagement in public service and governance,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Samantala binigyang diin naman ni Rev. Fr. Tony Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines na bagamat mahalagang matutukan ang patuloy na patugon sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay hindi ito dapat maging dahilan upang maisantabi ang isa sa pinakamahalagang karapatan ng mamamayan sa isang demokratikong bansa .
Nanindigan ang Pari na hindi sapat na dahilan ang planong paglalaan ng 8-bilyong pisong pondo para sa halalang pambarangay sa COVID-19 response.
“Different government agencies still allocated funds for the ongoing COVID-19 response. And we know how even the Department of Health was not able to fully expend its budget last year. Thus, like in any other organization, our government needs to step up its game to ensure good planning and better execution, and not to use this as a lame excuse to postpone the December elections,” paliwanag ni Fr. Labiao.
Unang nanawagan ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na dapat na tupdin ng pamahalaan ang nasasaad na batas sa Republic Act 11462 na pagsasagawa ng Barangay at SK Election tuwing unang Lunes ng Disyembre kada tatlong taon kung saan
Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), aabot sa mahigit 42,000 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.