475 total views
Naninindigan si Commission on Human Rights chairperson Jose Luis Martin Gascon na kinakailangang dumaan sa tamang proseso ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan o death penalty alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Nilinaw ni Gascon na kailangang masusing pag-aralan ang pakahulugan sa tinatawag na “heinous crimes”.
“Ang Saligang Batas ang nag-abolish ng Death Penalty at naibalik ito sa bisa ng Kongreso ngayon sa panunungkulan po ng ating magiging Presidente kung ibabalik po yung Death Penalty kailangan dumaan sa legal processes ibig sabihin dumaan sa reglamento ng Saligang Batas na dapat Kongreso ang magpanumbalik nito at sang-ayon sa tinatawag na Henious Crimes na kailangan pang i-define ng Kongreso.” pahayag ni Gascon sa panayam sa Radio Veritas.
Iniulat ng Amnesty International na 140- bansa na ang nag-abolish sa kanilang parusang kamatayan dahil hindi ito naging instrumento para bumaba ang kaso ng krimen.
Mariin ang pagtutol ni Pope Francis sa death penalty maging ang panghabang-buhay na pagkabilanggo na laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong-buhay.