11,560 total views
Pinangunahan ng Philippine National Police ang pagsasagawa ng multi-sectoral peace assembly bilang paghahanda sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay PNP Chief PGEN Benjamin Acordia, Jr., mahalaga ang pagkakaisa ng bawat sektor ng lipunan upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos, mapayapa at matapat na halalang pambarangay na isa sa sandigan ng demokrasya ng bansa.
Pagbabahagi ng opisyal, nakasalalay sa kaayusan at katapatan ng nakatakdang halalan sa ika-30 ng Oktubre, 2023 ang kinabukasan ng bansa.
“We assembled here united in purpose and in spirit as we commence a momentous journey geared towards strengthening our democracy and promoting exemplary governance in our cherish homeland. The critical relevance of our combined endeavors in securing the success and integrity of our county’s electoral process this October.” Ang bahagi ng pahayag ni PNP Chief PGEN Benjamin Acordia, Jr.
Ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangan ang aktibong pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang pamahalaan, civil society groups, academe, faith-based groups at pribadong sektor upang matiyak na maging marangal at matagumpay ang nakatakdang halalang pambarangay.
“I also advocate for the collaboration of all sector in the society, government, civil society, academe, faith-based groups and the private sector in backing this election. We appeal for the collective wisdom, vigor and commitment of all stakeholders to make this electoral process a resounding success.” dagdag pa ni Acordia.
Ayon kay Acordia ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay hindi lamang pagsasakatuparan sa karapatang bumoto ng bawat mamamayan na nakapaloob sa Saligang Batas kundi isa ring pagkakataon para sa lahat upang maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal para sa pamayanan.
“We must acknowledge this election’s crucial role in our nation’s development and progress, it extends beyond merely casting votes. It is about empowering our communities, encouraging civic participation and instilling the principals of responsible citizenship. I enjoined you to approach the impending elections with this sense of duty, integrity and fairness.”pahayag ni Acordia
Dinaluhan ang Nationwide Multi-Sectoral Peace Assembly for BSKE 2023 ng mga opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas gayundin ng ilang mga lider ng faith-based groups na kinabibilangan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, Philippine Council of Evangelical Churches National Director Bishop Noel Pantoja at Imam Council of the Philippines Chairman Imam Aleem Said Ahmad Basher.
Nagsilbing panauhing pandangal sa naganap na pagtitipon si COMELEC Commissioner-in-Charge of BSKE 2023 Atty. Rey E. Bulay na isinagawa sa PNP National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City noong ika-16 ng Oktubre, 2023.