361 total views
Tiniyak ng Jesuit Music Ministry (JMM) na patuloy itong makikiisa sa pagpapalaganap ng mga turo ng Simbahan at mga Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga likhang awitin.
Ayon kay Lester Mendiola, Direktor ng JMM, sinisikap ng grupo na makalikha ng mga awitin na makatutulong mailapit ang bawat mananampalataya sa Panginoon.
“Hopefully we’re able to translate people most fervent prayers into songs and help them reflect, pray and hopefully it will lead them closer to the Lord”. pahayag ni Mendiola sa Radio Veritas.
Ang pahayag ni Mendiola ay kasunod ng matagumpay na paglunsad ng Hangad Music Ministry, isang grupo ng mga mang-aawit na bahagi ng JMM sa kanilang Christmas Album noong ika – 17 ng Nobyembre na ginanap sa Church of the Gesu sa Ateneo de Manila University.
Iginiit ng direktor na mahalaga ang naturang album lalo’t 11 taon na ang nakalipas ng huling maglabas ng album ang Hangad.
Napapaloob sa bagong album na Magalak ang mga awiting pampasko kung saan 13 sa mga awitin ay mga orihinal na likha ng koro na inilalaan para sa liturhiya sa nalalapit na Adbiyento at Pasko.
Bukod sa paglunsad at pagtaguyod ng mga album ng iba’t ibang kantores ng JMM, tumutulong din ito sa mga parokya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng pagsasanay.
“Some of our choirs have parish workshops to promote the album as well as to help music minister grow in their ministry and then become better music ministers,” dagdag pa ni Mendiola.
Kasabay ng paglunsad ng Magalak album ng Hangad Music Ministry ay ipinagdiriwang din ng grupo ang ika – 27 taon sa paglilingkod sa samabayan ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga awitin mula pa noong 1991.
Ang mga album ng JMM ay nasa mga CD na mabibili sa mga Tanging Yaman outlet sa Megamall at Sonolux sa Ateneo de Manila University Campus at sa iba’t ibang online music service tulad ng Spotify, Deezer, Apple Music at iTunes upang mabigyang pagkakataon ang bawat mananampalataya madaling makakakuha ng kopya ng mga awitin.
Sa mga parokyang nais magsasagawa ng workshop sa tulong ng JMM ay maaring tumawag sa 426-5971 o magpadala ng e-mail sa [email protected]. Ang JMM ay binubuo ng Himig Heswita, Bukas Palad, Hangad, Canto Cinco, Musica Chiesca, Ateneo Chamber Singers, Koro Ilustrado at Where’s the Sheep.