23,481 total views
Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang tulong sa may-ari ng mga sasakyang napinsala nang mabuwal ang malaking punong acacia sa harapan ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay Rizal.
Ayon sa obispo hindi maiiwasan ang mga insidente lalo na tuwing may bagyo kaya’t humingi rin ito ng paumanhin sa mga apektadong indibidwal.
“Yet it is with collective sigh of relief that no lives suffered nor lost. We are so sorry for the owners. We assured them of help and assistance. No one wants a tragic event. Accidents happen in any place, at any time,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Gayunpaman ipinagkatiwala ng obispo sa Panginoon ang lahat ng mga pangyayari lalo’t naghahanda rin ang simbahan sa mga mahalagang gawain tulad ng kapistahan ni San Juan Bautista sa June 24, ang patatalaga kay Fr. Pedrito Noel Rabonza III bilang kauna-unahang rector; at ang solem declaration ng parokya bilang minor basilica sa July 9.
Nitong May 26 nang mabuwal ang century-old acacia tree sa pananalasa ng bagyong Aghon habang nagsagawa ng banal na misa sa loob ng simbahan.
Walang nasaktan sa insidente subalit dalawang sasakyan ang lubhang napinsala.
“It is sad that the historic acacia, a silent witness to the foundation of the town of Taytay and where the parish church of Saint John the Baptist stands, will now only remain in the recollection of our past,” ani ng obispo.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pitong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyo, 36, 000 ang lumikas habang naitala ng Department of Agriculture ang 22 milyong pinsala sa mga pananim.
Ang bagyong Aghon ang kauna-unahang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon kasabay ng pananalasa ng El Niño phenomenon na nagdulot din ng pinsala sa sektro ng agrikultura.