185 total views
Binati ni “Your Face Sounds Familiar” Season 2 grand winner Denise Laurel ang nasa 625 scholars na nagsipagtapos sa 7th Recognition ng Caritas Manila, Youth Servant Leadership and Education Program o Y-S-L-E-P.
Hinimok ni Laurel ang mga iskolar ng Caritas Manila na huwag makalimot na ibalik muli sa Diyos ang mga biyayang kanilang natanggap sa pagtulong rin sa mga kabataang tulad nila na walang kakayahang makapag – aral.
“I want to say congratulations the world is yours for the taking. Don’t forget to take, receive and then give, you know to whom much is given, much is expected. You guys are so blessed so please don’t forget to pay it forward also and to share. Everything that you guys have achieved, I’m sure you guys have achieved for a reason with the help of Caritas. Now is your turn to help someone achieved something in their life so that they can do the same for somebody else,” bahagi ng pahayag ni Laurel sa panayam ng Veritas Patrol.
Ipinaalala rin ni Laurel sa mga kabataan na hindi nila kinakailangan maging pulitiko o anumang posisyon sa lipunan para lang makapag – lingkod ngunit aniya bilang isang mabuting Katoliko tungkulin nila ang magmalasakit sa kapwa.
“The best leaders serve and also at the same time if you are not a leader you still serve. Just like with our government, it doesn’t matter who’s in position I feel you can put the best people in government but if us ourselves don’t do right as being a good citizens and good Christian or Catholics nothing is going to happen,” giit pa ni Laurel sa Radyo Veritas.
Nasa mahigit 10,000 na ang natulungan ng noon ay Education Assistance Program ng Simbahang Katolika na ngayon ay mas kilala bilang Y-SLEP.
Magugunita na pinasamalatan ni Caritas Manila executive director Rev. Fr. Anton CT Pascual si Laurel sa pagkakaloob sa kalahati ng kanyang napanalunan sa naturang programa upang matulungan ang nasa 5,000 iskolar sa buong bansa.